Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali | Bandera

Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

Ervin Santiago |April 05,2021
facebook
share this

Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

Ervin Santiago - April 05, 2021 - 12:04 PM

BAKIT nga ba hanggang ngayon ay wala pa ring boyfriend ang Kapamilya sexy actress at vlogger na si Ivana Alawi?

Masyado nga bang pihikan at mataas ang standard ng dalaga pagdating sa lalaki o talagang hindi lang niya priority ang pagdyodyowa lalo pa’t patuloy pa rin ang banta ng pandemya sa bansa?

May mga nagsasabi naman na baka raw na-trauma na si Ivana sa pakikipagrelasyon dahil nga sa mga lalaking manloloko at paasa na na-encounter niya noong kabataan niya.

Sa latest vlog ni Ivana kung saan mapapanood ang kanyang “unboxing video” para sa kanyang YouTube Diamond Play Button Award, nabanggit niya ang tungkol sa estado ng kanyang lovelife.

Sa nasabing vlog, ipinakita ng aktres ang natanggap na Diamond Play Button mula sa YouTube na ibinibigay sa mga vlogger na nakakuha na ng 10 million followers. Sa ngayon mahigit 12 million na ang subscribers niya sa YT.

Kuwento ng isa sa mga Pinoy na may pinakamaraming subscribers sa YouTube, naisipan niyang gumawa ng mukbang video para sa kanyang “unboxing” vlog at sagutin ang ilang personal na tanong mula sa mga netizens.

“Hindi ko mabuksan (Diamond Play Button box) actually magtu-two months na. Kasi parang sabi ko ‘Paano ko kaya bubuksan no?’ kasi parang gusto ko special na mailalagay ko siya sa isang video na gusto ko. And malapit talaga sa puso ko ang mukbang kasi mahilig ako kumain,” paliwanag ni Ivana.

Sa isang bahagi ng video, sinagot nga ng dalaga kung bakit single pa rin siya until now. Una munang nagsalita ang nanay niya na nag-dialogue ng, “Bata pa naman kasi siya.”

Ipinagdiinan ni Ivana na wala pa talaga siyang boyfriend ngayon at hindi totoo ang tsismis na meron siyang secret dyowa at ayaw lamang niya itong aminin in public.

“Lagi ko ‘tong sinasagot kasi ang dami nagtatanong kung sino nanliligaw sa yo, sino ang jowa mo, sino ang kalandian mo? Pero tulad ng lagi kong sinasagot, wala po talaga,” aniya.

Hirit naman ng nanay niya, “Maghihiwalay ‘yan kasi.” Na sinagot ni Ivana ng, “Ma, sobra ka naman.”

“Hindi. Kasi ngayon, hindi kayo magkikita. O, eh di paano nga ‘yun?” chika uli ng nanay ni Ivana.

Sabi naman ng sexy actress at YouTuber, “May video call naman. Pero wala. Hindi ako naghahanap sa ngayon. Hindi ako nagmamadali talaga. I’m really happy right now.”

Sa isang panayam, sinabi ni Ivana na ang gusto niya sa isang lalaki ay family oriented, “Tsaka hindi manloloko, ayaw ko ng sobrang gwapo, para wala akong kaagaw. I don’t like lies, no lies and yung maraming time sa akin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending