Ivana game magpakita ng ‘kiffy’, ‘boobsie’ sa movie: Baka hindi nila kayanin!

Ivana Alawi
READY at game na game raw magpakita ng “kiffy” at “boobsie” ang Kapamilya actress at sexy content creator na si Ivana Alawi sa isang pelikula.
Yes na yes ang sagot ni Ivana nang matanong kung handa ba siyang mag-frontal nudity sa isang movie kung sakaling may producer na mag-offer sa kanya.
Sey ni Ivana, kung talagang maganda ang script ng project, at kailangan sa gagampanan niyang role keribels niya ang magpakita ng kanyang private parts.
“Baka sila hindi nila kayanin. Oo, kung kailangan, go!” ang chika ni Ivana sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”.
Dagdag pa niya, “Kung para sa trabaho at maganda naman ‘yung script at maganda ‘yung story, why not?”
Reaksyon ni Tito Boy sa sagot ni Ivana, ganu’n daw kakumportable ang aktres ang vlogger sa kanyang katawan.
Inamin din ni Ivana sa King of Talk na si Tito Boy na insecurity niya noon ang kanyang ilong. Ngunit tigas siya sa pagtanggi na ipinaretoke niya ito.
View this post on Instagram
“I think na-embrace ko kasi lahat ng insecurity ko. Pero dati ‘yung ilong ko po. Kaya nga sinasabi niyo, retoke. Retoke? Insecurity ko nga ito,” sey ng sexy actress.
Sa tanong kung may plano pa siyang ipagalaw ang kanyang nose, “Hindi na. Bahala kayo. okay na ako, masaya na ako. Contour-contour na lang ‘yan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.