Yayo kay William: 'Buhay niya, buhay ko, walang pakialamanan'

Yayo dedma na kay William: ‘Buhay niya, buhay ko, walang pakialamanan’

Ervin Santiago |December 27,2023
facebook
share this

Yayo dedma na kay William: ‘Buhay niya, buhay ko, walang pakialamanan’

Ervin Santiago - December 27, 2023 - 07:28 AM

Yayo dedma na kay William: 'Buhay niya, buhay ko, walang pakialamanan'

William Martinez at Yayo Aguila

HAPPY at makulay ang lovelife ngayon ng seasoned actress na si Yayo Aguila na palaging nasasabihan na may lahing “bampira.”

E, kasi nga, parang hindi siya tumatanda at fresh na fresh pa rin sa edad na 56. Kapag nakita n’yo siya sa personal pwedeng mapagkamalang nasa 40 plus lamang siya.

Nakachikahan namin si Yayo at ng ilan pang miyembro ng entertainment media sa presscon ng Metro Manila Film Festival 2023 entry na “Firefly” at dito nga niya naikuwento na tatlong taon na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yayo Aguila (@yayoaguila)


Nagsimula raw ang kanilang love story noong kasagsagan ng pandemic at hindi raw niya pinlano ang magkadyowa pero dumating daw sa buhay niya ang lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso sa panahong hindi niya ine-expect.

Baka Bet Mo: Kylie naka-move on na sa hiwalayan nila ni Aljur: I’m really, really happy now!

Natanong din si Yayo tungkol sa ex-husband niyang si William Martinez na ilang beses nagpa-interview noon tungkol sa paghihiwalay nilang mag-asawa. Tila sinisisi ng aktor si Yayo kung bakit nawasak ang kanilang relasyon.

Ayon sa aktres, ayaw na niyang sagutin pa ang naging pahayag ni William basta ang mahalaga ay alam niya kung ano ang katotohanan.

Sey pa ni Yayo, wala rin daw siyang nakikitang dahan para mag-usap pa sila ng kanyang ex-husband, maliban na lang kung ito’y para sa kanilang mga anak.

“Okay na rin na mag-remain kami na ganu’n, buhay niya, buhay ko, walang pakialaman. Pero pagdating sa mga bata, doon lang naman kami may reason para mag-usap,” aniya.

Nasaktan daw siya sa mga pinagsasabi sa kanya ni William sa mga past interviews nito kung saan sinabi nitong nagkaroon umano ng “affair” si Yayo habang nasa US noon.

Pero sabi nga ng aktres, ayaw na niyang sagutin ang isyung ito para makaiwas na lang sa gulo at para maproteksyunan na rin ang apat nilang anak ni William na sina Patrizha, Danielle, Dana, at Adam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yayo Aguila (@yayoaguila)


Dagdag pa ni Yayo, “Mabuti na rin yung hindi (kami nag-uusap). Pero happy ako na merong nag-aalaga sa kanya. Happy ako na may nagpapasaya sa kanya para hindi niya ako binubwisit. Yung ganu’ng istorya.

Baka Bet Mo: Dennis Trillo iisa na ng talent management sa asawang si Jennylyn Mercado, bibida sa teleserye kasama si Bea Alonzo

“Wala akong kailangan patunayan. Basta ang sa akin, kasama ko yung mga anak ko. Alam ni Lord yung totoo. Ang akin lang, accountability, di ba? Honesty, yun lang yun.

“So, hindi ko kailangan patunayan ang sarili ko. Wala akong kailangan sabihin. God knows who holds the truth, so doon na lang ako. Gusto ko lang ng tahimik na buhay,” sey pa ng aktres.

Nabanggit din ni Yayo na galit ang mga anak niya kay William at hindi nag-uusap ang mga ito hanggang ngayon dahil talagang naapektuhan ang mga ito sa pagpapa-interview ng kanilang ama.

Samantala, siguradong super happy ngayon ang cast at buong production ng “Firefly” dahil isa ito sa mga pelikulang humahataw ngayon sa nagaganap na MMFF 2023, mula sa GMA Pictures at GMA Public Affairs.

Kasama rin ni Yayo sa movie sina Cherry Pie Picache, Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Euwenn Mikaell, Alessandra de Rossi at Dingdong Dantes. Ito’y mula sa direksyon ni Zig Dulay.

“Actually, yung story talaga maganda. Sinasabi ko nga kina Direk, pag may dumarating, I can say this para sa aming mga aktor, pag may dumadating sa lapag mo, hindi naman lahat pumupukaw sa puso mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Iba-iba kasi sila ng story, iba-iba nang dating sa iyo. Pero ito kasi it’s about mag-ina. Siyempre, very special sa akin yung mga ganu’ng istorya,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending