#BampiraYarn: Jolina naadik din sa 'The Twilight Saga', umaming binalak rumampa sa bakanteng lote para makita si Edward Cullen | Bandera

#BampiraYarn: Jolina naadik din sa ‘The Twilight Saga’, umaming binalak rumampa sa bakanteng lote para makita si Edward Cullen

Ervin Santiago - July 09, 2023 - 07:45 AM

#BampiraYarn: Jolina naadik din sa 'The Twilight Saga', umaming binalak rumampa sa bakanteng lote para makita si Edward Cullen

Jolina Magdangal

KNOWS n’yo ba na isa rin ang Kapamilya actress-TV host na si Jolina Magdangal sa mga Pinoy na talagang nabaliw-baliw sa blockbuster movie na “The Twilight“.

Nag-share si Jolens ng isang throwback photo sa Instagram kalakip ang pag-amin na naloka rin siya nang bonggang-bongga kay Robert Pattinson na gumanap na Edward Cullen.

Kasama rin ni Robert sa naturang Hollywood movie si Kristen Stewart na nakilala naman sa role niya bilang si Bella Swan.

Makikita sa IG post ni Jolina ang kanyang vampire look na kinunan niya noong mga panahong adik na adik siya sa kuwento ng mga bampira.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Chika ng host ng “Magandang Buhay”, gumawa siya ng paraan para magmukha rin siyang vampire dahil hindi pa siya marunong gumamit ng graphics editor app noon. Sticker na pangil ang ginamit niya ar kinulayan ng pula ang mga mata.

“2008-2009. Ito ang panahon na baliw na baliw ako sa ‘Twilight Saga.’ Hindi ako marunong mag adobe photoshop kaya sticker na pangil na lang at kinulayan ng pula ang mata (laughing at crying emojis),” simulang chika ni Jolina.

Dagdag pang rebelasyon ng singer-actress, may mga pagkakataon pa raw na nagbalak siyang lumabas ng madaling-araw at pumunta sa bakanteng lote na katapat ng bahay nila.

Baka raw kasi makita niya roon ang bidang karakter sa “The Twilight” na si Robert Pattinson.

Tinanong din ni Jolina ang kanyang mga IG followers ng, “Sino dito ang nabasa ang 4 na makakapal na novel at di rin pinalampas ang movies tulad ko? Taas kamay dali!!!!!!”

Baka Bet Mo: Jolina proud na proud sa ‘friendship’ nila ni Judy Ann: ‘Sobrang masaya ako sa mga achievements mo!’

Narito naman ang sagot ng mga netizens sa question ni Jolens.

“Gusto kong pumunta sa gubat at mapupunong lugar kasi baka nandoon si Edward.”

“Me! Twilight ang reason kung bakit napabili ako ng projector. Gusto ko mapapanood ko ng malaki, prang sine. At least unlimited.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🍀🦋 Jolina Magdangal Escueta 🦋🍀 (@mariajolina_ig)


“So ayon na nga feeling bampira din ako ng mga panahon na yan, lahat ng makita ko na Volvo na kotse feeling ko si edward cullen nagmamaneho at susunduin ako.”

“Me. Although team Jacob ako noon for Bella. Pero yes in my imagination napaka-gwapo ni Edward Cullen!!”

“Me, as in buang ako sa novels at movie nito. Halos lahat meron ako magazines, book’s, posters etc.”

“College ako that time. Walang pera pangsine pero lagI ko maririnig sa iba. Until nagka-work na napanood ko na later movies hahaha until na upload sa netflix napanood ko na lahat hahahaha ang chaka lang ng second part hahaha but kahit sinong teenagers or young people mainlove sa tambalang Edward Cullen at Bella Swan.”

Ang “The Twilight Saga” ay may limang edition na ipinalabas noong 2008 hanggang 2012.

Josh Cullen ng SB19 nagbigay ng ‘love advice’ sa bagong kanta: It encourages to hold on, trust the process…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

SB19 Josh umalma na sa height shaming: Stop it…minsan nakakarindi na rin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending