Jolina Magdangal sa saglit na pagkakawalay sa anak: Sana mag grow ang heart nya na mas lalo pa syang maging mabuting bata | Bandera

Jolina Magdangal sa saglit na pagkakawalay sa anak: Sana mag grow ang heart nya na mas lalo pa syang maging mabuting bata

Therese Arceo |July 05,2023
facebook
share this

Jolina Magdangal sa saglit na pagkakawalay sa anak: Sana mag grow ang heart nya na mas lalo pa syang maging mabuting bata

Therese Arceo - July 05, 2023 - 11:07 PM

Jolina Magdangal sa saglit na pagkakawalay sa anak: Sana mag grow ang heart nya na mas lalo pa syang maging mabuting bata
HINDI napigilan ng Kapamilya singer at actress na si Jolina Magdangal na maging emosyonal nang pansamantala itong mawalay sa kanyang anak.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ng “Magandang Buhay” host ang kanyang mga larawan kasama ang mga anak at pamilya kung saan mapapansing namamaga ang kanyang mga mata.

“First time na malalayo si Pele sa akin nang matagal. Kahit anong isipin ko at kahit anong gawin ko para mabusy nang sa ganun hindi ko masyado maisip.. pero hindi kinaya,” pagbabahagi ni Jolina.

Pagpapatuloy pa niya, ilang gabi na rin siyang umiiyak nang patago para mabawasan ang bigat na nadarama sa pagkakawalay sa mag-ama.

Hiling ni Jolina, “Napakasakit at sikip ng dibdib ko kasi dalawa sila malayo samin ni Vika. Pero ang laging dasal ko ay sa araw araw na hindi kami magkasama at hindi ko sya maaakap, sana mag grow ang heart nya na mas lalo pa syang maging mabuting bata.

“Mas mapagmahal at maalaga, mas lalong maging creative, mas grateful at lalong lalo na mas lalo pang lumago ang JOY sa kanyang puso.”

Baka Bet Mo: Jolina Magdangal inamin ang naging issue sa kanila nina Rica Peralejo at Roselle Nava: Close talaga kaming tatlo, tapos…

Nasa Amerika ang kanyang anak kasama ang ama nitong si Mark Escueta para sa kanilang concert tour.

Sa kabila naman ng pangungulila ni Jolina sa anak ay labis pa rin ang pagpapasalamat nito sa asawa.

“Thank you sa aking asawa na laging gumagawa ng bagay para mapanatag ako. Pangakong aalagan ko parin ng husto si Vika habang wala sila ni Pele,” sey ni Jolina.

Thankful rin ito sa isa pang anak na si Vika dahil lagi itong nasa tabi ng ina at siya pang umaalalay rito.

“Haaaaay!!!! 2 months lang malalayo nagkaganito na ako.. pano pa kaya kung ginusto nya mag aral sa ibang bansa? Paano na ako,” inip na sabi pa ni Jolina.

Related Chika:
Jolina proud na proud sa ‘friendship’ nila ni Judy Ann: ‘Sobrang masaya ako sa mga achievements mo!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Fans nina Julie Anne at Jolina nagbardagulan, sino nga ba ang karapat-dapat tawaging ‘Pop Icon’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending