Jolina proud na proud sa ‘friendship’ nila ni Judy Ann

Jolina proud na proud sa ‘friendship’ nila ni Judy Ann: ‘Sobrang masaya ako sa mga achievements mo!’

Pauline del Rosario |May 12,2023
facebook
share this

Jolina proud na proud sa ‘friendship’ nila ni Judy Ann: ‘Sobrang masaya ako sa mga achievements mo!’

Pauline del Rosario - May 12, 2023 - 03:52 PM

Jolina proud na proud sa ‘friendship’ nila ni Judy Ann: ‘Sobrang masaya ako sa mga achievements mo!’

Jolina Magdangal, Judy Ann Santos

KASABAY ng ika-45th birthday ng batikang aktres na si Judy Ann Santos ay nag-trip down to memory lane ang veteran singer-actress na si Jolina Magdangal.

Sa pamamagitan ng Instagram post, ibinandera ni Jolina ang throwback picture nila ni Juday.

Proud pa niyang naikwento kung gaano katagal at katibay ang kanilang pagkakaibigan.

“Itong post na ito ay para sa taong marami ring kwento at laban sa buhay ‘nung panahon namin, at napagtagumpayan ng bongga! [happy face emoji],” sa kanyang IG caption.

Sey pa niya, “At sa tuwing nagkakakwentuhan kami ngayon or may nakikita akong achievements niya, ay sobra akong masaya  [happy face emoji].”

“Mareng Juday, MALIGAYANG KAARAWAN!!!!!! Labyu mare!,” aniya.

Hiling pa ni Jolina para sa aktres, “Sa buhay natin ngayon wala na tayong ibang nanaisin pa kundi ang matagal makasama ang pamilya.”

“Kaya naman mare, praying always for good and healthy mind and body para sayo mare ko, and keep that joy in your heart,” lahad pa sa IG post.

Baka Bet Mo: Jolina naiyak nang balikan ang naging challenge sa pagsasama nila ni Mark: ‘Na-test din kami dahil wala kaming helper’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Makikitang napa-comment mismo si Juday at sinabing, “Mars!! Thank you soo much!! [kiss emoji] labyu forever!”

Ang dalawang magkaibigang artista ay naging parte ng ‘90s teen series na pinamagatang “Gimik.”

Taong 2007 nang magkasama muli sila sa horror-thriller film na “Ouija” kasama sina Iza Calzado at Rhian Ramos.

Samantala, nag-post din si Juday sa kanyang social media upang magpahayag ng kanyang pasasalamat sa mga bumati sa kanyang kaarawan.

Nagkwento pa siya kung ano-ano ang pinagkaabalahan niya sa kanyang special day.

“A simple, quiet, full of love filled day to celebrate my birthday yesterday is just what i wanted… lunch date with dada, got pampered with champagne and chocolates in the most dreamy place any girl would’ve wanted, met up with the kids for dinner.. then greeted with so much flower arrangements when we got home,” lahad niya sa Instagram post.

Ani pa ni Juday, “ thank you so much to everyone who remembered, my heart is so full and grateful to each and everyone of you.”

“Thank you Lord for another year, thank you for blessing me with a great husband, wonderful children, and awesome friends. Cheers to 45,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)

Ilan pa sa mga humabol sa pagbati kay Judy Ann ay ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, pati na rin ang kapwa-celebrities na sina Charlene Gonzalez, Jodi Sta. Maria, KC Concepcion, Bea Alonzo, Bianca Gonzales, at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Jolina hindi kailanman naisip talikuran ang pagiging Kapamilya… kahit sarado na ang ABS-CBN

Heart umaming certified Jolina fan; may branded bag na isa sa pinakamahal sa buong mundo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending