Jolina hindi kailanman naisip talikuran ang pagiging Kapamilya... kahit sarado na ang ABS-CBN | Bandera

Jolina hindi kailanman naisip talikuran ang pagiging Kapamilya… kahit sarado na ang ABS-CBN

Ervin Santiago |February 24,2022
facebook
share this

Jolina hindi kailanman naisip talikuran ang pagiging Kapamilya… kahit sarado na ang ABS-CBN

Ervin Santiago - February 24, 2022 - 04:36 PM

Jolina Magdangal

NEVER naisip ng actress-TV host na si Jolina Magdangal na layasan ang ABS-CBN noong kasagsagan ng pandemya at lalo na noong ipasara ito ng Kongreso.

Hindi raw siya nagdalawang-isip na manatili bilang Kapamilya kahit na mabawasan o tuluyang mawalan ng trabaho noong tumigil na sa operasyon ang kanyang mother network.

“Sa akin kasi nu’ng nangyari ’yun, wala talaga akong dalawang isip. Ang sabi ko nga dati kung nagsasama-sama tayo kapag Christmas special, kung nagsasama-sama tayo kapag mayroong (Star Magic o ABS-CBN) Ball at mayroong big events na masaya bakit ‘di tayo magsama-sama kapag nangangailangan lalo na ang isa’t isa?” pahayag ni Jolens sa Kapamilya Strong event kahapon kung saan muli siyang nag-renew ng kontrata sa istasyon.

Patuloy pa niya, “Hindi naging issue ‘yun na, ‘Okay, matatakot ba ‘ko dahil yes nanay ako?’ Ang nanaig sa akin ito ‘yung time para mas dapat kumapit kami sa isa’t isa.

“‘Yung mga gustong bumitaw, try nating hilain pero kung ayaw na okay lang basta try mo pa ring yakapin ‘yung iba. ’Yun ‘yung pinakananaig sa akin,” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)


Kasunod nito, pinasalamatan din niya ang ABS-CBN dahil sa gitna ng health crisis ay hindi pa rin siya pinabayaan at iniwan.

“Subok na talaga ‘yung samahan ng Kapamilya. Sa akin, masaya ako, very proud ako na maging part ng lahat ng tagumpay ng Kapamilya lalung-lalo na kapag challenges, happy ako na part ako nu’n.

“I’m very happy. Hindi ko maintindihan parang nagpa-flashback sa akin nu‘ng bata pa ako na tatakbu-takbo ako rito sa (ABS-CBN) and after ilang years, tatlong dekada and more ito kasama ko pa rin ang ating mga boss at talagang nandito pa rin ako. Hindi man tumatakbo pero nandito pa rin.

“Maraming-maraming salamat po sa pagtitiwala sa akin mula noon hanggang ngayon, thank you so much po,” pahayag pa ng TV host-actress na regular pa ring napapanood sa morning show na “Magandang Buhay” kasama si Melai Cantiveros at ang guest host nilang si Regine Velasquez. 

Isa si Jolina sa mga Kapamilya stars na talagang super active sa pagtatanggol sa ABS-CBN noong dinidinig ang franchise renewal ng ABS-CBN sa Congress.

Jolina inaatake ng anxiety: May times na nasusungitan ko ang mga bata pati si Mark

Jolina kay Mark: Habangbuhay kaming magpapasalamat kay Papa Jesus at ikaw ang haligi ng ating tahanan

Bea may naisip na konsepto para sa proyekto nila ni Marian; ‘better partner’ na raw siya ngayon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending