Jolina naiyak nang balikan ang naging challenge sa pagsasama nila ni Mark: 'Na-test din kami dahil wala kaming helper' | Bandera

Jolina naiyak nang balikan ang naging challenge sa pagsasama nila ni Mark: ‘Na-test din kami dahil wala kaming helper’

Ervin Santiago |February 16,2023
facebook
share this

Jolina naiyak nang balikan ang naging challenge sa pagsasama nila ni Mark: ‘Na-test din kami dahil wala kaming helper’

Ervin Santiago - February 16, 2023 - 07:07 AM

Jolina naiyak nang balikan ang naging challenge sa pagsasama nila ni Mark: 'Na-test din kami dahil wala kaming helper'

Jolina Magdangal, Mark Escueta, Pele at Vika

NAIYAK si Jolina Magdangal habang ikinukuwento sa madlang pipol ang ilan sa mga challenges na kanyang pinagdaanan bilang asawa at nanay.

Inamin ng TV host-actress na hindi rin perfect ang married life nila ng asawang musikero na si Mark Escueta, sa katunayan marami rin silang misunderstanding at pagtatalo ng kanyang mister.

Nakasama ni Jolens sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay” ang kanyang hubby para sa selebrasyon ng Valentine’s Day at dito nga sila nag-share ng ilang detalye tungkol sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Ayon kina Jolens at Mark, kapag meron silang issue, hindi raw nila ito pinatatagal at may usapan na rin sila na hindi na nila ibinabalik pa ang mga dating problema na  napagtalunan at napag-usapan na nila.

“Kailangan pag-usapan agad. At saka isang natutunan ko kay Mark nu’ng mag-girlfriend-boyfriend pa lang kami, kapag napag-awayan na natin ito o napag-usapan na natin ito, ‘wag mo nang ibabalik kasi aayusin ko na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🍀🦋 Jolina Magdangal Escueta 🦋🍀 (@mariajolina_ig)


“So nag-stick talaga ako roon na kapag napag-usapan namin, selos man ‘yan o ano hindi ko na ‘yan ilalabas ulit, kasi napag-usapan na. So nagtiwala ako sa kanya roon at ganun naman ang nangyari,” pahayag ni Jolina.

Naging emosyonal at napaluha naman ang TV host at aktres nang ikuwento ang isang problemang pinagdaanan niya bilang ilaw ng tahanan.

“Ito lately, medyo na test din kami, na-challenge din kami dahil wala kaming helper. More than a year, wala kaming helper, homeschool si Pele, si Vika, kami ang teacher.

“Parang ang daming ginagawa, na-overwhelm ako. Basta nahirapan talaga ako.

“Tapos sinabi ko sa kanya ‘pakiramdam ko hindi mo ako naa-appreciate’ may mga ganoon na ako.

“May sinabi siya roon na akala ko hindi ko matatanggap. Kasi ayaw ko sasabihan talaga ako ng ‘hindi mo kaya.’ Pero kung paano niya sinabi na-realize ko na ‘oo nga ayaw ko na ng pride.’

“Sabi niya ‘akala mo kasi kaya mo, pero hindi mo kaya at okay lang ‘yon.’ Ay naiyak na ako,” pagbabahagi ni Jolens habang umiiyak.

Reaksyon naman no Mark, “Totoo naman hanggang kaya niyang gawin ay gagawin niya talaga. Ako naman minsan, hindi ako magaling mag-explain.

“So minsan ang dating medyo siguro seryoso masyado o kulang sa lambing. Pero I think work in progress ‘yon sa lahat ng couple, ‘yung communication,” ani Mark.

Isa raw sa mga natutunan niya sa relasyon nila ng asawa ay okay lang na hindi niya makayanan ang lahat ng obligasyon at responsibilidad niya bilang asawa at ina.

“Sabi ko kasi, ‘gusto ko makita nila nakaya ko lahat para kapag wala ako mami-miss nila ako.’ O kaya ‘ay ang galing ni mama, super mama’ o ‘ang galing ng asawa ko super asawa’, pero hindi pala ganoon ‘yon.

“Kapag hindi mo kaya, okay lang ‘yon kasi pwede naman niya akong tulungan. Mula noon mas naging magaan lahat, mas nagtulungan kami, naglalaba na rin siya, nagtutupi na rin siya yung ganoon,” pahayag pa niya.

Sa darating na November,  ipagdiriwang nina Mark at Jolina ang kanilang 12th wedding anniversary.

Dalawang beses silang ikinasal, una sa simbahan noong November 19 at sa isang garden wedding noong November 21, 2011.

Jolens 32 years na sa showbiz, hiyang-hiya pa rin kapag tinatawag na ’90s icon’

Super Tekla naiyak nang balikan ang nakaraang buhay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karla Estrada muling nakasama sina Jolina at Melai, tuluyan nang mamamaalam sa ‘Magandang Buhay’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending