Karla Estrada muling nakasama sina Jolina at Melai, tuluyan nang mamamaalam sa 'Magandang Buhay' Bandera

Karla Estrada muling nakasama sina Jolina at Melai, tuluyan nang mamamaalam sa ‘Magandang Buhay’

Therese Arceo |June 24,2022
share this

Karla Estrada muling nakasama sina Jolina at Melai, tuluyan nang mamamaalam sa ‘Magandang Buhay’

Therese Arceo June 24, 2022 - 01:51 PM

Karla Estrada muling nakasama sina Jolina at Melai, tuluyan nang mamamaalam sa 'Magandang Buhay'
USAP-USAPAN ngayon si Karla Estrada dahil sa naging cryptic post nito sa Instagram kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

“Happy to see you my Momshies!!!” saad niya sa kanyang post.

Marami sa mga netizens ang masaya dahil mukhang magbabalik na si Karla sa morning show nilang “Magandang Buhay” matapos itong mawala nang ilang araw noong tumakbo siya bilang third nominee sa Tingog party-list.

Pero naguluhan ang mga ito dahil parte ng kanyang post ay sinabi niyang “ang pamamaalam”.

Dagdag pa niya, “Abangan” na mas lalong nagpasiklab ng kuryosidad ng mga netizens.

Ngunit tila nasagot na ang mga tanong ng madlang pipol dahil sa naging post ni Darla Sauler ngayong araw sa Instagram.

“Reunited for the farewell episode og Momshie Karla Estrada on Magandang Buhay!” saad ni Darla.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

 

Nagbigay rin siya ng mensahe sa ina ni DJ.

“Good luck sa new chapter and journey mo mare!” sey pa niya.

For sure ay maraming makaka-miss kay Momshie Karla ngayong tuluyan na siyang mamamaalam sa kanilang morning show.

Matatandaang pansamantala muna siyang pinalitan noon ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez nang nagdesisyon itong pasukin ang mundo ng politika.

At nito ngang nagdaang eleksyon ay isa ang Tingog sa mga nanalong party-list na siyang kinabibilangan ni Karla ngunit 2 seats lamang ang nakuha nito.

Lubos nga ang naging pasasalamat ng aktres sa lahat ng mga taong naniwala at sumuporta sa kanila kahit na hindi niya nasungkit ang ikatlong pwesto ay pasok naman sina Congresswoman Yedda Romualdez at Congressman Jude Acidre sa pwesto.

“Bagama’t hindi umabot sa akin ang pangatlong upuan ay pangatlo naman po tayo sa mahigit singkwentang nakapasok na partylist! Ang Tingog ay May 2 seats po.. Sa pangunguna ni
Congresswoman Yedda Romualdez at sinundan ni Congressman Jude Acidre.

“Ako po ay mananatili na kasama ng Tingog Bilang isa mga Boses po ninyo katulad ng aking ipinangako. Ang aming tagumpay ay Tagumpay din po ninyong lahat! Salamat sa pag tiwala at pag mamahal nyo po sa amin. Mabuhay kayong lahat mga Ka-Tingog!” sey ni Karla.

Related Chika:
Karla Estrada umalma sa post ng netizen, ipinagtanggol si VP Leni

Karla sa pagkakaibigan nila nina Melai at Jolina: May kanya-kanya kaming pananaw sa buhay

Karla Estrada sinorpresa si Daniel Padilla sa lock-in taping

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending