Karla Estrada sinorpresa si Daniel Padilla sa lock-in taping Bandera

Karla Estrada sinorpresa si Daniel Padilla sa lock-in taping

Therese Arceo |April 27,2022
share this

Karla Estrada sinorpresa si Daniel Padilla sa lock-in taping

Therese Arceo April 27, 2022 - 04:53 PM

Karla Estrada sinorpresa si Daniel Padilla sa lock-in taping

BINISITA ni Karla Estrada ang kanyang anak na si Daniel Padilla sa set ng “2 Good 2 Be True” kasama ang mga boss ng ABS-CBN kahapon, April 26.

Minabuti na rin ng TV host-actress na bisitahin ang anak na kasalukuyang ipinagdiriwag ang kanyang ika-27th birthday.

Ilan pa sa mga kasama ni Karla ay ang ABS-CBN executives na sina Carlo Katigbak, Mark Lopez, Cory Vidanes, at Direk Lauren Dyogi at ang anak niyang si Carmela.

Sa Instagram account ay ibinahagi ng ina ni Daniel ang ilang mga larawan na kuha mula sa kanyang surprise visit.

Saad ni Karla, “Surprise!!! At the set of 2 good 2 be true! Thanks to our bosses for the surprise set visit! Thanks too to the entire prod and thank you @bernardokath and @captainluz for making this happen!!! HAPPY BIRTHDAY @supremo_dp WE LOVE YOU ANAK!!”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

 

Bago pa ang surprise visit ay binati na ni Karla ang anak sa Instagram.

“Malaya at maligayang kaarawan sayo anak, kayo ng mga kapatid mo ang aking ngayon at bukas.”

Dagdag pa ni Karla, “Ulit-ulitin man ang buhay ko, kayo pa rin ang gugustuhin ko na maging mga anak at ikaw pa rin ang panganay. I love you to the moon and back!”

Nagpasalamat rin ito sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta kay Daniel at nagpahatid ng birthday greeting sa anak.

Thank you everyone for greeting my eldest son. Thank you Twitter for the greetings for @supremo_dp,” sey ni Karla.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

 

Nagpaabot rin ng pagbati sa kanyang post ang ama ng anak na si Rommel Padilla.

“Happy Kaarawan nak! We love you,” saad ni Rommel.

Bumati rin ang mga kaibigang momshies na sina Candy Pangilinan, Jackie Forster, at Candy Pangilinan.

“Happy birthday DJ! Blessings upon continued blessings for your eldest,” comment ni Jackie.

Sa ngayon ay abala si Daniel sa kanilang upcoming Kapamilya teleserye na “2 Good 2 Be True” samantalang tuloy-tuloy naman ang pangangampanya ni Karla Estrada para sa kanyang Tingog Partylist para sa darating na eleksyon sa Mayo 9.

Related Chika:
Karla Estrada umalma sa post ng netizen, ipinagtanggol si VP Leni

Karla Estrada kinastigo ang nanglait sa isang PWD, netizens umalma: Wag kang magmalinis!

Karla kinakarir ang pagpapapayat: Wag na masyado maraming dahilan, laban para sa kalusugan!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending