Karla Estrada kinastigo ang nanglait sa isang PWD, netizens umalma: Wag kang magmalinis!
HINDI pinalagpas ng Kapamilya star na si Karla Estrada ang isang netizen na nang-insulto sa isang PWD.
Sa kanyang social media pages ay ibinahagi ng TV host-actress ang isang screenshot ng post ng netizen na si Mark Herrera na nilalait ang may kapansanan na naka-post sa BBM Youth Advocate FB page.
“Weh dilat ka nga,” saad ni Mark Herrera.
Dito ay napag-alaman ni Karla na taga-suporta pala ni VP Leni Robredo ang naturang netizen base sa cover photo nito.
“Isa lang ito sa nagutya (nangutya) sa taong may kapansanan ng dahil hindi tayo magkakatugma ng pinaniniwalaan. Nakakasulasok na pamamaraan, hindi ka makakatulong sa sinusuportahan mo,” saad ni Karla sa kanyang tweet.
Maski sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya rin ang screenshot ng post at maging ang account ng netizen.
Sey ni Karla, “Hindi ko lang ito kaya. Kailangan ko pang magsalita at naaawa ako sa kalagayan ni Kuya na may kapansanan sa mata.”
Isa lang ito sa nagutya sa taong may kapansanan ng dahil hindi tayo magkakatugma ng pinaniniwalaan. Nakakasulasok na pamamaraan, hindi ka makakatulong sa sinusuportahan mo. pic.twitter.com/Ut1MHEqFEh
— karla estrada (@Estrada21Karla) March 24, 2022
Aniya, hindi na raw kasi makatao ang naging komento nito.
“Makakatulong ba ito sa kandidato na pinaglalaban mo? Magpalit nga kayo ni kuya ng kalagayan? Kaya mo? Yan lang kaya mo, mangutya???” pagpapatuloy pa ni Karla.
Dagdag pa niya, “Porke’t di kayo magkapareho ng pinaglalaban?? Pasalamat ka na lang at buo ang sangkap ng mukha mo! Maraugdaug ka man!”
Nagpaalala rin si Karla na piliin daw palagi na maging mabuti sa kapwa.
“Araw araw piliin natin maging mabuti sa kapwa! Mahirap sa panahon ng eleksyon lalo pero pilitin natin maging mabuti,” sey niya.
Marami naman sa mga netizens ang umalma sa post ni Karla dahil tila nagiging “double standard” ang dating ng pahayag nito.
Sey ng mga netizens, saka na raw i-call out ng TV host-actress ang iba kapag kaya na niyang i-apply ang sinasabi niya sa sarili niya at sa iba pang supporters ng UniTeam.
Saad ng isang netizen, “Wow. Di po ba lumalabas sa feed mo ang dumi ng mga kapwa mo sumusuporta sa magnanakaw? I do not condone this act (if he’s a legit a supporter of VP Leni) pero pakilinis muna ang sariling bakuran dahil di hamak na mas makalat sa inyo.”
‘Wag kang magmalinis. Araw-araw ngang nakakatikim ng lait si Melai sayo sa MB (Magandang Buhay) on live tv. Remember?” comment pa ng isa.
Hirit pa ng isa, “Sariling bakuran muna ang linisin bago mamuna ng mali ng iba. Kung mali dapat punahin ano man ang kinabibilangan mo lalo na ang gawang pagnanakaw, pagsisinungaling, at pag imbento ng mga fake news Ms. Karla.”
May mga netizens rin na nagsasabi na bagama’t mali talaga ang ginawa ng kanilang kapwa kakampink, mas malala pa rin daw ang mga ginagawa ng mga BBM supporters gaya ng pagpapadala ng death threats, panlalait sa mga artista na sumusuporta kay VP Leni, pangre-redtag at marami pang iba.
Matatandaang hayagang ipinahayag ng ina ni Daniel ang kanyang pagsuporta kina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio nang um-attend ito ng proclamation rally ng UniTeam na ginanap noon sa Philippine Arena.
Related Chika:
Karla posible nga kayang tsugihin na sa ‘Magandang Buhay’ dahil kay Regine?
Karla kinakarir ang pagpapapayat: Wag na masyado maraming dahilan, laban para sa kalusugan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.