Karla posible nga kayang tsugihin na sa 'Magandang Buhay' dahil kay Regine? | Bandera

Karla posible nga kayang tsugihin na sa ‘Magandang Buhay’ dahil kay Regine?

Reggee Bonoan |March 03,2022
facebook
share this

Karla posible nga kayang tsugihin na sa ‘Magandang Buhay’ dahil kay Regine?

Reggee Bonoan - March 03, 2022 - 07:47 AM

Regine Velasquez at Karla Estrada

HANGGANG ngayon ay pinag-uusapan pa rin sa apat na sulok ng showbiz si Regine Velasquez bilang pansamantalang humalili kay Karla Estrada sa “Magandang Buhay” kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros-Francisco.

Marami kasi ang nagsasabing sana’y maging regular na lang ang Asia’s Songbird sa show dahil okay ang chemistry nila nina Momshie Melai at Momshie Jolina.

Kumakandidato kasi si Karla bilang third nominee sa Tingog Sinirangan na pinangungunahan naman ni Yedda Romualdez, asawa ni House Majority Leader Martin Romualdez na isa sa 70 kongresista na bumotong hindi dapat bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Isa ito sa topic nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs sa YouTube channel nilang “Showbiz Update.”

“Feeling ko pagkatapos ng eleksyon babalik ulit si Karla, pero ‘yun lagi ang tanong. Paano kung nagustuhan na ng audience si Regine? Paano kung si Regine mismo nag-e-enjoy na? Paano kung ‘yung mga advertisers mas gusto si Regine kaysa kay Karla?” bungad ni Ogie.

View this post on Instagram

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)


Dagdag ni Mama Loi, “Kasi may mga endorsements din si Ms. Regs na puwede roon (sa show).”

“Na pang-nanay? Kaya kahit si Karla ay maiintindihan kung ganu’n nga ang maging desisyon if ever,” say ulit ni Ogie.

May tanong naman si Tita Jegs, “Totoo ba, malaki ang ibinayad ng party list kay momshie Karla?”

Natigilan si Ogie at sabay sabing, “Ako na naman ang mako-quote!  Ako na naman ito, Jegs!”

Tawa naman nang tawa sina Mama Loi at Tita Jegs.

“Bakit ba ito ang naka-schedule (sabay turo kay Jegs). Mas maintriga ka pa? Nakakaloka ka!” pahayag ni Ogie.

Hirit naman ni Mama Loi, “Daks nga ba ang ibinayad?”

“Ang ibinayad? Naku, ayaw ko (sagutin),” sambit ni Ogie.

Si Tita Jegs uli ang nagsalita, “Ayaw n’yo sagutin? Ako sasagot, ayon sa source ko malaki nga raw ang ibinayad ng party list kay momshie Karla. Magkapuwesto man o hindi as 3rd nominee.”

“Totoo ba?” balik-tanong ni mama Loi kay Ogie.

Hawak-hawak naman ng talent manager-vlogger ang dibdib, “Na-shock ako, ikaw (Jegs) na nga rito.  Ang dami mong alam tapos ako iko-quote.”

Sabay sabing, “Ayan ay hindi naman kumpirmado puwedeng i-deny.  Kung may denial man kay Karla, e, di mas okay. Kasi di ba, nagpapagod ka rin naman, di ba?  Kasi ang alam ko 3rd nominee si Karla ng naturang partylist. Kung makakaisang puwesto hindi siya kasama. Kasi kailangan maka-1 million (boto) ‘yung partylist para makakuha ng tatlong puwesto.

“Kung may ibinayad man kay Karla, e, di good for her. Kahit naman ako ang nasa puwesto ni Karla, ay sandali kung magagamit din lang ako sa partylist, singilin ko nga lalo na kung magpe-perform ako, di ba? Tapos kasama ko si Robin Padilla.”

Ang intrigang tanong ni Mama Loi, “Pero kung ikaw ang alukin nila nu’ng partylist na ‘yun, tatanggapin mo ba?”

Ang bilis ng sagot ni Ogie, “Hindi! E, nag-NO to franchise sila ‘no!”

“Kahit milyun-milyon ang ibibigay?” tanong uli ni Mama Loi.

“Jusko ‘day hindi naman lahat ng pagkakataon pera ang paiiralin natin. Huwag nating kalilimutan na may prinsipyo pa rin tayo!” sabi ng talent manager cum vlogger.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At nabanggit pa na kaya siya umaakyat sa entablado sa pinaniniwalaan nitong kandidato na makakapag-ayos sa bansa at wala siyang bayad kahit singkong duling.

Karla kinakarir ang pagpapapayat: Wag na masyado maraming dahilan, laban para sa kalusugan!

Regine tuluyan na bang papalitan si Karla sa ‘Magandang Buhay’ dahil sa pagsabak nito sa politika?

Yen Santos naanakan nga ba ng isang politiko?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending