Karla kinakarir ang pagpapapayat: Wag na masyado maraming dahilan, laban para sa kalusugan! | Bandera

Karla kinakarir ang pagpapapayat: Wag na masyado maraming dahilan, laban para sa kalusugan!

Ervin Santiago |March 23,2021
facebook
share this

Karla kinakarir ang pagpapapayat: Wag na masyado maraming dahilan, laban para sa kalusugan!

Ervin Santiago - March 23, 2021 - 09:47 AM

PATULOY na kinakarir ng Kapamilya actress-TV host na si Karla Estrada ang pagwo-workout hindi lang para pumayat nang bonggang-bongga kundi para na rin sa kanyang kalusugan.

In fairness, medyo nabawasan na nga ang timbang ng nanay ni Daniel Padilla makalipas ang isang taong mula nang simulan niya ang kanyang fitness journey.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Karla sa madlang pipol ang resulta ng kanyang weight-loss journey sa pamamagitan ng before-and-after photos mula 2020 at 2021.

Ang caption na isinulat ng 46 anyos na TV host sa nasabing litrato ay, “Before and after keme. Kala niyo ha! Kahit konting achievement ipagmalaki mo! Diyan lahat nag-uumpisa yan.”

Dugtong pa niya, “Let’s go mga momshie!!! ‘Wag na masyado madaming dahilan! LABAN PARA SA KALUSUGAN!!!”

Kung hindi kami nagkakamali, base na rin sa mga ipino-post niyang mga litrato at video sa IG, ilan sa mga ginagawa niyang workout ay cardio, boxing at weight training.

Ni-like at pinusuan naman ng libu-libo niyang IG followers ang kanyang IG photo kabilang na ang mga kaibigan niya sa showbiz na nagulat at na-inspire sa kanyang pagpayat.

Comment ni Iza Calzado, “Celebrate what your body can do for you! Keep strong, sexy, happy and healthy, QMF!”

“Sobrang sexy baya,” sabi naman ng kaibigan at co-host niya sa “Magandang Buhay” na si Melai Cantiveros.

“Go mareeee!!!” ang sabi naman ng isa pa niyang kaibigan na si Ruffa Gutierrez.

Sa isang panayam, sinabi ni Karla na kailangan niyang maging healthy and fit para na rin sa kanyang mga anak. Nais pa raw niyang makasama nang mahabang panahon ang mga mahal niya sa buhay, kabilang na siyempre riyan ang kanyang boyfriend na si Jam Ignacio.

“Para na rin tumagal ako, at siyempre para ma-enjoy ko pa ang life ko nang matagal na matagal for my children, for my family,” aniya pa.

Palaging sinasabi ni Karla na never siyang na-insecure sa kanyang katawan, “Taas-noo kong sasabihin na hindi ko naging insecurity itong pangangatawan ko.

“Dahil payat naman po ako dati, pero kasi noong gumanda ang buhay ko, ito ay sign ng happiness. Ito po ay sign ng magandang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Itong pangangatawan ko ngayon, ito ay mahal na mahal ko dahil ito ay sign ng contentment. Pero ang talagang insecurity ko ay ‘yung nagkaroon ako ng uban, tapos ‘yung uban ko nasa labas pa. So every now and then kailangan kong pa-color ng pa-color,” sey pa ni Karla sa isang interview.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending