Karla Estrada umalma sa post ng netizen, ipinagtanggol si VP Leni | Bandera

Karla Estrada umalma sa post ng netizen, ipinagtanggol si VP Leni

Therese Arceo - March 29, 2022 - 08:29 PM

Karla Estrada umalma sa post ng netizen, ipinagtanggol si VP Leni
MULI na namang lumikha ng ingay sa social media ang TV host-actress na si Karla Estrada.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang isang screenshot ng comment ng isang netizen kung saan hindi kaaya-aya ang laman at ang malala ay in-edit pa ang larawan ng isa sa kumakandidato sa pagkapresidenteng si Vice President Leni Robredo.

“No to bastusan please! Walang katuturan ang ginagawa nyo! Hindi makatao! Nakakasulasok! Hindi ka makakatulong sa kandidato mo pav ganyan na pambabastod na pamamaraan!” saad ni Karla sa kanyang caption.

Marami naman sa mga netizens ang nag-react sa post ng TV host at ina ni Daniel Padilla.

“Nakakalungkot isipin nakakain sila ng sistema nila kaya ngayon nawawalan na sila ng rwapeto sa kapwa higit sa lahat, sa sarili nila,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Against ako kay Leni but this is not good, not good at all especially sa mga taong with disability. Not good for fair and equal campaign.”

Dagdag pa ng isa, “Respeto lang po. Hindi po ito nakakatuwa. Kahit na kay BBM at Sara ang vote ko, sobrang nalungkot po ako dito. Wag pong manakit ng kapwa, pisikal o emosyonal para lang sa kung saan ang panig mo. Tao ka at hindi ito dapat ginagawa.”

Matatandaang na nitong nakaraang araw ay nag-trending rin si Karla matapos niyang i-call out ang isang kakampink (terminong ginagamit pantawag sa mga taong sumusuporta kay VP Leni) sa ginawa nito sa isang BBM supporter na may kapansanan.

Bagamat aminadong ang mga kakampink na mali ang ginawa ng kapwa nila ay pinuna rin nila ang ginawang pag-call out ni Karla samantalang “mas malala” diumano ang ginagawa ng mga taga-suporta ni Bongbong Marcos.

Marami rin kasing mga “resibo” na kumakalat sa internet sa kanilang pagmumura, panghihiya, pangre-redtag, at pagbibiro na “pasasabugin” ang lugar kung saan ginaganap ang people’s rally ng tambalang Leni-Kiko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

Samantala, mukhang all out na rin ang pagsuporta ni Karla kina Bongbong dahil nang bisitahin namin ang kanyang Facebook account ay may mga shared posts na siya ng video ni Bongbong.

Ibinahagi rin niya na sa darating na April 9 ay magkakaroon ng UniTeam rally sa Leyte na kanyang probinsya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dito rin nakabase ang kanyang kinabibilangang political party na Tingog party-list kung saan siya tumatakbo bilang third nominee.

Related Chika:
Karla Estrada kinastigo ang nanglait sa isang PWD, netizens umalma: Wag kang magmalinis!
Karla posible nga kayang tsugihin na sa ‘Magandang Buhay’ dahil kay Regine?
Karla kinakarir ang pagpapapayat: Wag na masyado maraming dahilan, laban para sa kalusugan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending