Karla sa pagkakaibigan nila nina Melai at Jolina: May kanya-kanya kaming pananaw sa buhay Bandera

Karla sa pagkakaibigan nila nina Melai at Jolina: May kanya-kanya kaming pananaw sa buhay

Therese Arceo |March 22,2022
share this

Karla sa pagkakaibigan nila nina Melai at Jolina: May kanya-kanya kaming pananaw sa buhay

Therese Arceo March 22, 2022 - 08:45 PM

Karla sa pagkakaibigan nila nina Melai at Jolina: May kanya-kanya kaming pananaw sa buhay

MASAYANG ibinahagi ni Karla Estrada kung ano ang uri ng pagkakaibigan na meron sila ng kanyang mga co-host sa “Magandang Buhay” na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Sa kanyang Facebook page ay isang video na kuha mula sa “PasigLaban” Leni-Kiko sortie ang kanyang ibinahagi.

Makikita sa video na magkasama sa stage sina Jolina at Melai habang may mga tao mula sa crowd na sumisigaw at sinasabing, “Ilabas si Karla!”

Saad niya sa caption ng kanyang post, “Nakakahappy naman at hinahanap n’yo ako mga sangkay! Kahit kami ay magkakaibigan, kami ay may kanya kanyang pananaw sa buhay.”

“Nirerespeto namin ang aming magkakaibang mga paniniwala kaya nga kami magkakaibogan ay mahal ko ang mga kaibigan ko dahil lahat kami ay mabubuti ang layunin. Malayang buhay sa ating lahat,” dagdag pa ni Karla.

Marami naman ang natuwa sa post ng TV host-actress.

“100% true! May kanya kanya naman tayong opinion. Importante magkakaibigan pa rin kayo at Magandang buhay!” saad ng isang netizen.

Matatandaang bago pa man maganap ang filing ng certificate of candidacies para sa mga nagnanais kumandidato para sa 2022 elections ay magkakasama ang tatlo sa kanilang morning show sa ABS-CBN na “Magandang Buhay”.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)


Kinakailangan namang mamaalam ni Karla sa naturang show matapos siyang magpasya siyang pumasok sa politika at tumakbo bilang third nominee ng Tingog party-list na pinamamahalaan ni Rep. Yedda Marie Romualdez, isa sa mga hindi pumayag sa muling pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

Bukod rito, nagpahayag rin ang ina ni DJ ng pagsuporta kina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte nang dumalo ito sa proclamation rally ng Uniteam na naganap sa Philippine Arena.

Samantala, sina Jolina at Melai naman ay sumusuporta sa tambalang Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.

Related Chika:
Melai tinawag na bobo dahil kay Leni Robredo; nakipagtalakan sa tagasuporta ni Bongbong Marcos

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending