Marvin Agustin ni-reveal favorite position sa sex

Marvin ni-reveal favorite position sa sex: Ano bang pinakain n’yo sa akin?

Ervin Santiago - February 13, 2025 - 12:20 AM

Marvin ni-reveal favorite position sa sex: Ano bang pinakain n'yo sa akin?

Marvin Agustin at Jolina Magdangal

GAME na game na sumabak sa hot seat ng isang kilalang podcast ang actor-entrepreneur na si Marvin Agustin recently.

Kasama ni Marvin na bumisita sa The KoolPals podcast ang kanyang kaibigan at favorite na ka-loveteam na si Jolina Magdangal.

Bago magsimula ang naturang podcast, nagkaroon muna ng slumbook questions para kay Marvin at kay Jolina na magkasama ngayon sa kanilang reunion movie na “Ex Ex Lovers”.

Isa nga sa mga itinanong kay Marvin ay kung ano ang kanyang favorite position pagdating sa sex.

Baka Bet Mo: Lovelife hugot ni Dominic Roque: Hindi naman porke superstar si Bea ay mahirap na siyang maging karelasyon

“Siyembre, batang 90s. Babalikan natin ‘yong mga slum book questions,” ang sabi ng isa sa mga host na GB Labrador. “Umpisahan natin sa…”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Official Juday PH (@officialjudayph)

“Favorite sex position?” ang singit namang hirit ng isa pang host na si James Caraan.

“Wala sa slum book ‘yan!” reaksyon nina Nonong Ballinan at GB Labrador.

Ngunit in fairness, sinagot pa rin ni Marvin ang nakakalokang tanong, “Dog style, ay sumagot! Ha-hahaha!”

“Ay sumasagot ka pa!” ang super laugh ding pagsaway ni Jolina sa kanyang ka-loveteam na kitang-kita ang pagka-shookt sa tinuran ng aktor.

“Ano ba ‘yong pinakain n’yo sa akin?” ang natatawang pa ring sey ni Marvin. “Kung ano-ano tuloy nasasabi ko!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Feeling naman namin ay nagbibiro lamang si Marvin sa kanyang naging sagot. E, kasi nga puro komedyante ang nag-iinterbyu sa kanila ni Jolina kaya sinakyan na lang niya ang mga ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending