Super Tekla naiyak nang balikan ang nakaraang buhay | Bandera

Super Tekla naiyak nang balikan ang nakaraang buhay

Therese Arceo - August 17, 2021 - 08:23 PM


ISANG challenge ang ipinagawa ni Donita Nose sa kanyang ka-tandem sa vlogging na si Super Tekla kung saan kinakailangan nitong matulog sa garahe ng kanilang bahay.

Sa umpisa ng vlog ay makikita si Tekla na nag-aayos ng hihigaan malapit sa pinto ng kanilang bahay gamit ang pinto.

Lumabas naman si Donita na tila nang-aasar at nag-good night na sa kaibigan.

Nang isara na ang pinto, dito na nagsimulang magkuwento si Tekla tungkol sa kaniyang buhay.

“It reminds me of nangyari sa buhay ko, nadaanan ko ito, mas malala pa dito,” panimula ng komedyante.

“Ito swerte kasi may electric fan, may kumot. ‘Yung 6 months kong experience sa may World Trade Center, sa Pasay, sobrang worst nun.

“Ulan, init, gutom, panganib. Syempre baka pag-tripan ka habang nakahiga ka. During that time, ‘yun ‘yung mga down ko sa buhay,” pagpapatuloy niya.

Tuluyan ngang naiyak ang komedyante at vlogger habang inaalala ang nakaraan.

“Dumating ako sa point ng buhay ko na nadadapa ka talaga minsan. May desisyon ka sa buhay na hindi mo pinag-iisipang maigi. Akala mo tama, ‘yun pala mali. Maling tao, maling environment.

“I’m so lucky. Napakaswerte ko dahil hindi natin alam kung gaano kahirap (ang) sitwasyon ng mga taong nakakaranas ng ganito. ‘Yung mga kababayan natin na walang tahanan, kung saan saan nakahiga,” pagpapatuloy ni Super Tekla.

Sa kabila ng hirap na kinasadlakan niya, pinilit niyang tumayo at magsumikap. Pinilit niyang lumaban sa hamon ng buhay.

“Hindi ibig sabihin na nadapa ka, tuluyan ka nang babagsak. You have to stand. Kailangan mong tumayo, magpagpag at lumakad muli para tuloy ang buhay,” saad nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayon nga ay lubos ang pasasalamat ni Super Tekla dahil sa patuloy na pagbibigay ng Diyos ng blessings sa kanya na naibabahagi niya sa kaniyang pamilya. Masaya siya na hindi niya inatrasan ang naging pagsubok sa buhay at nagtiwala na kahit anong mangyari ay may pag-asa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending