Boobay: Kapag niyaya ako ni Tekla na mag-live in papayag ako

Boobay: Kapag niyaya ako ni Tekla na makipag-live in sa kanya papayag ako

Ervin Santiago |January 22,2024
facebook
share this

Boobay: Kapag niyaya ako ni Tekla na makipag-live in sa kanya papayag ako

Ervin Santiago - January 22, 2024 - 12:10 AM

Kapag niyaya ako ni Tekla na makipag-live in sa kanya papayag ako

Boobay at Super Tekla

HINDI lang basta co-workers ang turingan ngayon ng mga Kapuso TV host-comedian na sina Super Tekla at Boobay.

Pinatunayan nila yan sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan natanong sila kung gaano ba nila kamahal ang isa’t isa?

Ayon kina Boobay at Tekla, medyo malalim na rin ang estado ng kanilang friendship dahil ilang taon na rin silang magkasama sa Kapuso comedy show na “The Boobay And Tekla Show.”

Sagot ni Boobay sa tanong ni Tito Boy, “Gaano ko kamahal si Tekla? Ayun, kapag in-invite ako ni Tekla na makipag-live-in sa kanya papayag po ako. Ha-hahaha!”

“Ahhh, may chance,” ang natawang hirit naman ni Super Tekla sa kanyang screen partner.

Baka Bet Mo: Tekla nakipagbalikan sa dating ka-live in: ‘Nagdadalang-tao na naman ngayon si Michelle’

Seryosong chika ni Tekla, kahit daw hindi sila madalas nagkikita at nagkakausap ni Boobay nang personal, lagi lang naman daw siyang nandiyan para sa kaibigan.

“Kami ni Boobay naman kasi kahit hindi kami masyadong nag-aano (nag-uusap). Sabi ko nga sa kanya, everything basta ano lang simple message, simple text, is okay. Kapag sa set doon kami mas nagba-bonding,” pahayag pa ni Tekla.

Samantala, nabanggit din ni Tekla na lahat ng komedyante ay nagiging emosyonal din, lalo na pagdating sa mga mahal nila sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Siyempre tao rin naman kami. May part din na very weak kami. So, hindi namin puwede ipakita, haligi kami, kailangan masaya ka e,” paliwanag ni Tekla.

Napapanood pa rin ang “The Boobay and Tekla Show” tuwing Linggo, 10:05 p.m. sa GMA 7.

Nauna rito, naikuwento rin ni Tekla na dahil sa kanyang mga joke, nalagay na rin sa panganib ang kanyang buhay. Habang nagpe-perform sa isang bar bilang stand-up comedian ay may isang customer daw ang biglang napikon sa kanya.

Baka Bet Mo: Boobay hiniling na muling makita ang yumaong ina: Kung hindi puwede, di ako na lang ang pupunta diyan

Nangyari ito noong bago pa lamang siya sa pagiging performer sa mga comedy bar kaya medyo nangangapa pa raw siya kung anong atake ang gagawin niya para mapatawa at mapasaya ang mga customer.

Isang gabi raw habang nakasalang siya sa stage ng pinagtatanghalang comedy bar, may isang lalaking napikon sa kanyang punchline at talagang kinasahan daw siya ng baril.

“Kasi mahirap eh, dapat responsibility mo ‘yun. ‘Yung words mo dapat appropriate paglapat mo sa tao para hindi offensive. Noong sa akin hindi pa ‘ko sanay, na-offend, nagkasa ng baril,” ang pag-amin ng Kapuso TV host-comedian.

“Kasi ang joke ko sa kanya, ‘Ang ingay-ingay mo diyan eh, pabigat ka lang naman.’ Mabigat, pangit ‘yung dating, pangit ‘yung atake,” sey ni Tekla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang kasunod na ginawa ng komedyante ay sinuyo agad ang nagalit na customer at nag-sorry. Nahimasmasan naman daw ang lalaking may baril.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending