Boobay hiniling na muling makita ang yumaong ina: Kung hindi puwede, di ako na lang ang pupunta diyan | Bandera

Boobay hiniling na muling makita ang yumaong ina: Kung hindi puwede, di ako na lang ang pupunta diyan

Therese Arceo |April 21,2023
facebook
share this

Boobay hiniling na muling makita ang yumaong ina: Kung hindi puwede, di ako na lang ang pupunta diyan

Therese Arceo - April 21, 2023 - 07:35 PM

Boobay hiniling na muling makita ang yumaong ina: Kung hindi puwede, di ako na lang ang pupunta diyan
MATAPOS maging laman ng usap-usapan kahapon dahil sa biglang pagha-“hang” ng komedyanteng si Boobay ay marami sa netizens ang nabahala at pinayuhan itong magpahinga.

Matatandaang kahapon, April 20, nang bigla na lang naalarma ang batikang TV host na si Boy Abunda habang ini-interview niya ang komedyante.

Kinakailangang mag-commercial break muna upang ma-assess at ma-check kung anong tulong ang kinakailangan ni Boobay.

Makalipas ang ilang sandali ay muling bumalik ang programa at makikitang maayos na ang lagay ng komedyante at inumpisahan na ang interview at hindi na itinuloy ang fast talk.

Pagkukwento ni Boobay, “Tito Boy, I am okay. Ito yung pagkakataon kahapon nagte-taping kami bigla akong medyo nag-hang habang kami ay nagsu-shoot ng The Boobay and Tekla Show.

“Siguro dahil sa ilaw at the same time, medyo siguro konti pa lang yung tulog ko na maling-mali sa ginawa ko.”

Ani Boobay, dapat raw ay siguraduhing maayos ang katawan bago magtrabaho at huwag tumanggap ng magkakasunod na work.

“Pero sinabi naman sa akin ng doktor before na mangyayari talaga sa akin after nung nangyari sa akin before noong naospital ako.
“After daw nun, maaaring mag-hang ako.
“The best thing that you have to do is just keep it, mag-stop ka lang until hayaan mong bumalik sa dati,” dagdag pa niya.

Kaya naman pinaalalahanan siya ni Boy na dapat nitong pangalagaan ang sarili lalo na’t nakaranas na ito ng stroke noong November 2016.

“You really have to take good care of yourself. Paalaala din po natin yan sa mga sarili natin kasi minsan, lalo na dito sa studio, hindi natin alam ang gabi. Hindi natin alam ang araw. Nagte-taping ng ilang episodes,” saad ni Boy kay Boobay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Boobay inabuso ang sarili kaya na-stroke; hindi nagalit nang hiwalayan ng dyowa

Natanong nga rin si Boobay ng TV host kung bakit ba siya labis na nagtatrabaho at nagpapakapagod.

“At some point, I’m saving para sa akin, though naibigay ko na yung mga dapat kong gawin para sa tatay, sa family ko. Nabigyan ko na sila ng bahay, ng kanilang sasakyan.

“Ako naman ngayon, nakakuha ng aking bagong tirahan sa San Juan. Till now, kailangan ko pa rin mag-ipon nang mag-ipon kasi hangga’t merong nagbibigay sa yo ng pagkakataon, kunin ko yan, kasi baka the next time, baka mawala na yon,” sagot ni Boobay.

Natanong nga rin siyakung ano ang nais niyang iapela sa mga santo sa langit.

“Kakausapin ko si [St.] Peter, kung may chance pa ulit, sana pabalikin mo si Mama ko dito kasi gusto ko,” sey ni Boobay.

Ang ina raw kasi ang dahilan kung bakit pinasok niya ang mundo ng showbiz.

Lahad ni Boobay, “Kaya ako nag-artista, kasi yun ang pangako ko sa kanya na sana, kapag naging artista ako, isa ka sa talagang gusto ko na nandito at makikita mo yung pagpapatawa ko at pagpapasaya sa mga tao.

“St. Peter, nandiyan ka ba? Wala… So, kung hindi puwede, di ako na lang ang pupunta diyan soon. Ready na ako anytime.”

Ang naging sagot ni Boobay ay nagbigay ng pangamba sa mga taong nagmamahal sa komedyante dahil tila nagpapahiwatig raw ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Boobay na-hurt nang biglang hiwalayan ng dyowa: Sana naging tama ‘yung desisyon mo…

Boobay napaiyak nang makita ang litrato ng ex-dyowa sa Bora: Ang sakit pala kapag sinasabing ‘past na ito’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending