Boobay na-hurt nang biglang hiwalayan ng dyowa: Sana naging tama 'yung desisyon mo... | Bandera

Boobay na-hurt nang biglang hiwalayan ng dyowa: Sana naging tama ‘yung desisyon mo…

Ervin Santiago |January 03,2022
facebook
share this

Boobay na-hurt nang biglang hiwalayan ng dyowa: Sana naging tama ‘yung desisyon mo…

Ervin Santiago - January 03, 2022 - 11:38 AM

Kent Resquir at Boobay

KINIMKIM lang ng Kapuso TV host-comedian na si Boobay ang nararamdamang sakit at sama ng loob nang makipaghiwalay sa kanya ang ex-boyfriend na si Kent Resquir.

Ayon sa ka-tandem ni Super Tekla sa weekly comedy show na “The Boobay And Tekla Show”, hindi raw kasi siya nabigyan ng pagkakataon na ilabas ang kanyang saloobin nang magdesisyon sila ni Kent na tapusin na ang kanilang relasyon.

In fairness, sino ba naman ang hindi masasaktan at manghihinayang sa siyam na taong relasyon na inakala mong pang-forever na? 

Last July, 2021 kinumpirma nga ni Boobay na wala na sila ng kanyang non-showbiz partner after nine years ng pagsasama.

Sinabi ng komedyante na hindi siya nagalit kay Kent nang hilingin nito na maghiwalay na sila, pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay napakarami niyang tanong sa dating kasintahan.

Nagbahagi si Boobay sa vlog ng isa pang Kapuso comedian na si Betong Sumaya tungkol sa breakup nila ni Kent at sinagot kung kumusta na ang lagay ng kanyang puso ngayon.

“Hindi ako mananatili roon sa kalungkutan na ipinagkaloob sa akin kasi sa kabila ng mga lungkot na nadarama ko ngayon, may mga blessings na dumating,” simulang pahayag ng stand-up comedian.

“Pero kung tinatanong n’yo ‘yung puso ko, siyempre nasaktan, Kuya Betong. Sino’ng hindi masasaktan?” pag-amin niya.

Sunod na tanong ni Betong, “May panghihinayang ba?”

“May pagtatanong. Bakit hindi ako nabigyan ng pagkakataon na mailabas ‘yung nararamdaman ko,” mahinahong tugon ni Boobay.

Dito na niya nasabi na hindi niya nagawang magalit kay Kent dahil mas nangibabaw ang pagmamahal at respeto niya sa kanyang ex.

“Kasi nga siguro dahil ang iniisip ko palagi na ‘Balikan mo. Ano ba ‘yung natutunan mo sa taong ‘yon? Ano rin ba ang naibigay sa ‘yo ng taong ‘yon? Sino-sino ba ‘yung mga taong naging parte na rin ng buhay mo simula nang nakilala mo ‘yung taong ‘yon, ‘di ba?’

“Hindi ko pa siya naiiyak, Kuya Betong. Doon din ako thankful at the same time kay Lord kasi hindi niya hinayaan na ma-depress ako,” chika pa ni Boobay.

Dagdag pa niyang kuwento, “Noong nakipag-break siya sa akin, sabi ko ‘Don’t worry. Sige, ibibigay ko na sa ‘yo ‘yan. Birthday gift ko na sa ‘yo dahil ‘yan ang request mo.”

Nang hingan ng mensahe para sa dating partner, ito ang sabi ni Boobay, “Sana naging tama ‘yung desisyon mo. At nae-enjoy mo muna ang pagiging single. Sana totoo na ‘yun ‘yung reason.

“Alam ko kung gaano siya ka-workaholic. Alam ko kung ano ‘yung pangarap niya for his family.

“Okay lang sa akin ‘yun kahit wala ako roon sa frame, as long as it’s for the family, para sa sarili niya. Sana more pa ‘yung success niya. And syempre laging put your feet on the ground. Sana you don’t forget our memories,” lahad pa ni Boobay.

View this post on Instagram

A post shared by @boobay7

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/288616/boobay-napaiyak-nang-makita-ang-litrato-ng-ex-dyowa-ang-sakit-pala-na-sinasabing-past-na-ito
https://bandera.inquirer.net/292595/bea-kumasa-sa-birit-showdown-ng-tbats-bianca-umaming-very-much-in-love-ngayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending