Super Tekla pinagdududahan pa rin ang totoong gender identity
HANGGANG ngayon ay aminado ang Kapuso comedian na si Super Tekla na marami pa rin ang kumukuwestiyon sa kanyang tunay na kasarian.
Sa nagdaang guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay ibinahagi niya na may nagtatanong pa rin kung totoong straight siya.
“May mga mangilan-ngilan. Sabi, ‘Ano ba talaga ang identity mo?’ Dati kasi, Tito Boy, naging parang ano ako, lalaki, para akong mag-aayos ng aircon. Alam mo ‘yong gano’n?” pagbabahag ni Tekla.
Pagpapatuloy niya, “So nagpe-perform ako hindi talaga siya nag-click sa akin. No’ng nag-dress up ako ng girl, lumabas ‘yong character ko.”
Baka Bet Mo: Super Tekla kinasahan ng baril sa comedy bar, customer napikon sa joke
At dahil nga mas tinangkilik at tinanggap ito ng tao ay tuluyan na niya itong niyakap.
“Pero I’m totally [a] guy. Straight,” giit ni Super Tekla.
Matatandaang noong February 2024 ay naikuwento na niya sa isang episode ng “Sarap ‘Di Ba?” ang dahilan kung bakit siya nagsusuot ng pambabaeng kasuotan.
“Trinay kong magdamit panglalaki… mukha akong tanga. ‘Yung parang hindi epektib. ‘Yung tipong parang magugutom ako,” lahad ni Super Tekla.
Pero lalaki raw talaga siya at ginawa niya lang ito bilang doskarte para kumita ng pera at makapagtrabaho nang maayos.
“Sa normal life ko, talagang lalaki ako magbihis. Pero dito sa mga comedy bar, sa mga raket, nagde-dress up talaga ako,” dagdag pa ni Super Tekla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.