Tekla kinasahan ng baril sa comedy bar, customer napikon sa joke

Super Tekla kinasahan ng baril sa comedy bar, customer napikon sa joke

Ervin Santiago |January 18,2024
facebook
share this

Super Tekla kinasahan ng baril sa comedy bar, customer napikon sa joke

Ervin Santiago - January 18, 2024 - 11:22 AM

Super Tekla kinasahan ng baril sa comedy bar, customer napikon sa joke

Boobay at Super Tekla

DAHIL sa kanyang mga joke, nalagay na rin sa panganib ang buhay ng Kapuso TV host-comedian na si Super Tekla.

Habang nagpe-perform sa isang bar bilang stand-up comedian ay may isang customer daw ang biglang napikon sa kanya.

Nangyari ito noong bago pa lamang siya sa pagiging performee sa mga comedy bar kaya medyo nangangapa pa raw siya kung anong atake ang gagawin niya para mapatawa at mapasaya ang mga customer.

Isang gabi raw habang nakasalang siya sa stage ng pinagtatanghalang comedy bar, may isang lalaking napikon sa kanyang punchline at talagang kinasahan daw siya ng baril.

Baka Bet Mo: Janine inialay ang NY Asian filmfest award sa lahat ng nanonood ng Pinoy movies kahit may pandemya

“Kasi mahirap eh, dapat responsibility mo ‘yun. ‘Yung words mo dapat appropriate paglapat mo sa tao para hindi offensive,” ang simulang chika ni Tekla sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon.

“Noong sa akin hindi pa ‘ko sanay, na-offend, nagkasa ng baril,” ang pag-amin ng Kapuso TV host-comedian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SuperTeklah Librada (@superteklahlibrada)


“Kasi ang joke ko sa kanya, ‘Ang ingay-ingay mo diyan eh, pabigat ka lang naman.’ Mabigat, pangit ‘yung dating, pangit ‘yung atake,” sey ni Tekla.

Ang kasunod na ginawa ng komedyante ay sinuyo agad ang nagalit na customer at nag-sorry. Nahimasmasan naman daw ang lalaking may baril.

Baka Bet Mo: Super Tekla naiyak nang balikan ang nakaraang buhay

“Nakuha ko siya na, ‘Sorry, I’m a comedian. Siyempre pumasok ka sa lugar na ganito, expect the unexpected. We say something not in common, so bear with us,'” ang pagpapaliwanag daw ng Kapuso comedian.

Ang isa raw sa realization niya pagkatapos ng naturang insidente, “Dapat pag-aralan mo ‘yung mga tamang salitang ilalapat mo sa craft mo or performance mo.”

Nag-react din si Tekla sa mga taong minamaliit ang mga nasa comedy bar at pagpapatawa ang napiling trabaho. Aniya hindi basta-basta ang propesyon ng mga komedyante.

“Naiinis ako kapag ‘Hoy comedian, magpatawa ka naman.’ Anong tingin niyo sa joke, drive thru?

“Ang joke po kasi meron ‘yang pattern, may pinaghuhugutan para lumabas ‘yung tamang craft mo. Kung ang topic mo ganito, kailangan, hindi tayo aalis sa ganu’n,” paliwanag ni Tekla.

Pagsang-ayon naman ng partner ni Tekla na si Boobay sa Kapuso comedy show na “TBATS”, “Halimbawa nag-show ako ngayon, nag-work siya, puwede ko pa rin siyang gamitin sa ibang mga araw, at the same pinapalawak ko pa siya.”

Nag-aaral at nagri-research din daw si Boobay ng mga current events at iba pang maiinit na isyu sa mundo ng showbiz, kabilang na ang mga hot topics ng mga Marites sa social media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Doon ako humuhugot minsan. Dapat meron akong alam para meron akong bala,” pahayag pa ni Boobay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending