Donita Nose na-bully dahil sa pang-ookray kay Super Tekla: 'Aminado ako na mas charming siya sa tao' | Bandera

Donita Nose na-bully dahil sa pang-ookray kay Super Tekla: ‘Aminado ako na mas charming siya sa tao’

Ervin Santiago |November 19,2023
facebook
share this

Donita Nose na-bully dahil sa pang-ookray kay Super Tekla: ‘Aminado ako na mas charming siya sa tao’

Ervin Santiago - November 19, 2023 - 07:00 AM

Donita Nose na-bully dahil sa pang-ookray kay Super Tekla: 'Aminado ako na mas charming siya sa tao'

Super Tekla at Donita Nose

MATINDING pambu-bully ang naranasan ng TV host-stand up comedian na si Donita Nose mula sa ilang fans ng kaibigan niyang si Super Tekla.

Ito’y dahil daw sa mga below-the-belt na pang-ookray niya kay Tekla, lalo na noong kasagsagan ng YouTube channel nila kung saan nakilala nang bonggang-bongga ang tandem nilang “Donekla”.

In fairness, sumikat naman talaga ang kanilang partnership sa social media at pati na rin sa telebisyon noong nagkasama sila bilang co-hosts sa “Wowowin” ni Willie Revillame sa GMA 7.

Inalala ni Donita nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Thursday, ang mga pinaggagawa nila noon ni Tekla sa kanilang mga vlog at live shows.

“Actually ‘yung mga hilahan, ganyan, actually never ko talagang naramdaman or ipinaramdam din sa kaniya,” simulang pagse-share ng komedyante sa tandem nila ni Tekla.

Aniya pa, “At saka aminado ako na mas charming siya sa tao, mas gusto siya ng tao. Pero mas gusto rin ng tao na dalawa kami.

“Pero siya, iba ‘yung dating sa akin. Minsan ako ‘yung binu-bully, inaaway ako ng mga may gusto sa kanya. Pero mag-tandem kami. They don’t know kasi kung ano ‘yung role namin sa isa’t isa,” paliwanag ng TV host.

Pero ang totoo raw, inookray niya lang si Tekla para mas lumabas ang galing nito sa pagpapatawa, “Siya kasi, ganu’n siya, kailangan ko siyang okrayin, kailangan ko siyang awayin para lumabas ang talent niya, maging effective siya.

“Pero ako ‘yung nagiging maldita, pero ‘yun is because ginagawa lang namin (para mapasaya ang mga tao),” esplika pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donita Nose (@donitanose)


Hirit pa ni Donita, “Kailangan talaga sa mag-partner, merong isang maganda merong hindi ganoon kaganda.”

Sa katunayan, hindi naman daw sila nagkakapersonalan at natural na raw kanilang dalawa ni Tekla ang mag-asaran at maglaglagan.

“Wala sa amin ‘yun ni Tekla. Natural na namin ‘yon. Kahit off-cam o nasa show kami, okrayan pa rin kami.

“Pero natural na sa amin ‘yon so we don’t care about that. Anuman ang sabihin ng ibang tao, alam namin sa isa’t isa ang ginagawa namin,” dagdag pa ng komedyante.

Inamin din naman ni Donita sa nasabing panayam na isa si Super Tekla sa mga taga-showbiz na nakaaway niya noon. Talagang dumating daw yung puntong sinukuan na niya ang friendship nila ni Tekla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero ang mahalaga raw ngayon ay nagkaayos din sila ni Tekla at nangibabaw ang pagmamahal nila sa isa’t isa bilang magkaibigan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending