Willie Revillame niyayayang tumakbo sa pagkasenador ng isang politiko sa susunod na eleksyon, sey ni Cristy Fermin
MUKHANG tuloy na tuloy na nga ang pagbabalik telebisyon ni Willie Revillame ayon sa source ng kolumnistang si Cristy Fermin.
Sa kanilang vlog na “Showbiz Now Na” na in-upload noong Lunes, September 25, napag-usapan nila ang TV personality at ang chikang pagbabalik nito sa mundo ng showbiz.
Ayon kay sa source ni Cristy, tuloy na tuloy na ang pagbabalik nito dahil sa dalawang politiko na siyang nagsisilbing backer ni Willie.
“Nagbigay umano ng sampung milyong piso ang mga politikong ito upang ipang-ayos doon sa kanyang studio,” saad ng kolumnista.
Chika pa ni Cristy, ang isa sa dalawang politiko na tumutulong ngayon kay Willie ay diumano’y may balak kumandidato sa 2028.
“May dagdag na kuwento pa ang aking source. Ito diumanong isang politiko sa dalawa na binanggit natin ay may planong tumakbo sa [pagkapangulo] sa 2028.
Baka Bet Mo: Lolit Solis sa karera ngayon ni Willie Revillame: Sa isang iglap bilang naging laos
“Ang layo pa pero may preparasyon na,” sey pa ni Cristy.
At ang isa pang balita ay hinihikayat rin daw nito si Willie na sumama sa kanya at tumakbo naman bilang senador.
View this post on Instagram
Hindi naman bago ang balita ng pagtakbo ni Willie sa senado dahil noong 2021 lang nang mapabalita rin na may mga humihikayst sa TV host para pasukin ang mundo ng politics.
Sabi pa ni Cristy, “Noong panahon ni dating Pangulong [Rodrigo] Duterte, ganoon din ang sabi ‘di ba. Inaalok rin siyang tumakbo para sa senado. Talagang pinatagayvpa niya ang kwento… pero hindi naman natuloy.”
Tinanong naman ng kolumnista ang kanyang mga kasamahan kung “hinog” na nga si Willie para pasukin ang senado.
“Alam mo, bagay siya roon. Hinog na hinog na siya para tumakbo,” sagot ni Wendell kay Cristy.
Dagdag pa niya, “Ibig sabihin puwede naman niyang ituloy doon ang pagtulong sa mga tao kapag nasa senado na rin siya.”
Matatandaang noong Oct 2021, matapos ang ilang buwang chika na papasukin na rin niya ang politika, pinabulaanan ni Willie ito at sinabing wala siyang balak tumakbo sa 2022 national elections.
“Hindi ko po kailangan kumandidato. Hindi ko po kailangan manalo. Ang kailangan ko ay makasama kayo dahil sa puso ko, sa isip ko, dapat laging ang mga Pilipino, kayo ang panalo,” saad ni Willie.
Related Chika:
Willie Revillame magkakaroon sana ng show sa TV5, hindi natuloy dahil sa talent fee?
Willie Revillame magbabalik na, PTV magiging daan nga ba sa kanyang comeback?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.