Willie Revillame biglang nagparamdam, magkakaroon rin kaya ng noontime show: Babalik ako | Bandera

Willie Revillame biglang nagparamdam, magkakaroon rin kaya ng noontime show: Babalik ako

Therese Arceo |July 06,2023
facebook
share this

Willie Revillame biglang nagparamdam, magkakaroon rin kaya ng noontime show: Babalik ako

Therese Arceo - July 06, 2023 - 07:30 PM

Willie Revillame biglang nagparamdam, magkakaroon rin kaya ng noontime show: Babalik ako

MUKHANG nalalapit na ang muling pagbabalik ni Willie Revillame sa telebisyon.

Ilang buwan na rin kasing hindi napapanood ng publiko ang TV host at ang show nitong “Wowowin” matapos ang pagre-resign nito mula sa All TV na pagmamay-ari ng mga Villar.

Sa Facebook page ng “Wowowin” ay ibinandera nito ang isang bagong music video ni Willie para sa kanyang kantang “Babalik Ako”.

“Sa Programa ng Bawat Pilipino, Kayo ang Bida Dito. Abangan,” base sa caption ng post.

Makikita sa music video na nakaupo si Willie habang nakatingin sa bintana at tila pinagmamasdan ang magandang tanawin sa labas.

At bago pa nga magsimula ang kanta ay makikita ang mga katagang ““Namimiss ko na ang inyong mga hiyawan. Namimiss ko na ang inyong palakpakan. At namimiss ko na ang inyong mga yakap.”

Baka Bet Mo: Willie tumanggi sa offer ng pamilya Jalosjos para mag-guest sa ‘Eat Bulaga’, mataas daw ang respeto sa TVJ

Bukod pa rito ay makikita rin sa music video ang ilang clips mula sa kanyang show na “Wowowin” kung saan nakikipag-interact ito sa audience, sa mga contestants na kuha bago pa maganap ang COVID-19 pandemic.

Nagtapos naman ang music video ni Willie sa mga katagang “‘Wowowin’—Kayo ang bida dito. Abangan.”

Marami naman sa mga netizens ang talagang na-excite sa tila pagpaphayag ng TV host na magbabalik na ulit siya matapos ang ilang buwang pagpapahinga.

“WE MISS YOU KUYA WILLIE,”saad ng isang netizen.

Comment ng isa pa, “Marami nang nag iintay n sambayanang pilipino syo kuya will…
Khit sang istasyon k mapunta lagi akong nakasuporta. God bless you.”

Chika pa ng isa, “balik na willie excited na po ako. marami na pong nahintay sa programa nio po god bless you.”

Kamakailan lang ay kumalat ang balitang nakipag-meeting ang TV host sa mga Jalosjos kung saan tumanggi raw ito sa offer ng huli para mag-guest sa “Eat Bulaga”.

Ito raw ay dahil sa malaki ang respeto ni Willie kina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Samantala, wala pa namang ekaaktong petsa na binabanggit ang kampo ng “Wowowin” kung kailan at saan siya mapapanood ng mga tagasuporta sa kanyang pagbabalik.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
True ba, si Willie Revillame raw ang lumapit sa pamilya Jalosjos para ialok sa TAPE ang ‘Wowowin’?

Willie Revillame nagbebenta na ng mga mamahaling gamit, gusto na ng simpleng buhay?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending