Willie tumanggi sa offer ng pamilya Jalosjos para mag-guest sa 'Eat Bulaga', mataas daw ang respeto sa TVJ | Bandera

Willie tumanggi sa offer ng pamilya Jalosjos para mag-guest sa ‘Eat Bulaga’, mataas daw ang respeto sa TVJ

Reggee Bonoan |July 03,2023
facebook
share this

Willie tumanggi sa offer ng pamilya Jalosjos para mag-guest sa ‘Eat Bulaga’, mataas daw ang respeto sa TVJ

Reggee Bonoan - July 03, 2023 - 05:54 PM

NABIGO ang mga Jalosjos, may-ari ng TAPE, Inc., nang kumbinsihin si Willie Revillame na mag-guest sa “Eat Bulaga” sa GMA 7 nitong Sabado, July 1.

Si Willie sana ang pasabog nila para sabayan ang airing ng  programa ng TVJ at iba pang original Dabarkads sa TV5 at ang “It’s Showtime” sa GTV channel ng GMA 7.

Pilot airing kasi ng “E.A.T.” sa TV5 nitong Sabado, hosted by ex-Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon with the legit Dabarkads. Gayun din ang “It’s Showtime” na umere naman sa GTV.

Nagkuwento si Nanay Cristy Fermin sa programang “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika sa Radyo5  92.3 TRUE FM kaninang tanghali tungkol dito.

Baka Bet Mo: Bullet Jalosjos masaya para sa TVJ, susuporta at manonood sa bagong show sa TV5

“Noong nakaraang Friday, Hunyo 30 ay nagkita-kita po sina Willie Revillame at ang magkapatid na Jalosjos, ang kanilang CEO na si Jonjon at si Mayor Bullet. Ang gusto po nila lumabas si Willie sa kanilang programa ‘yung hindi lehitimong Eat Bulaga tatapatan ang unang sultada ng Tito, Vic and Joey and Dabarkads dito po sa TV5.

“Isa lang ang sinabi ni Willie, matindi ang respeto ko sa Tito, Vic and Joey. Hindi ko magagawa ‘yun! Ang ganda, di ba?” pagbabahagi ni ‘Nay Cristy sa kanyang CFM’ers

Imbes na “Eat Bulaga” ay in-offer daw ni Willie ang programa niyang “Wowowin” na ilang buwan nang hindi napapanood dahil inihinto niya ito nang mag-resign siya sa ALLTV na pag-aari ng Villar family.

Dagdag pa ni ‘Nay Cristy na sabi raw ni Willie, “’Pero kung ang dahilan kung bakit ninyo ako kaharap ngayon ay ang Wowowin sige pag-usapan natin’, ‘yun ang sinabi niya. Pero ‘yung tatapatan ang Tito, Vic and Joey and Dabarkads do’n sa unang sultada nu’ng Sabado hinding-hindi niya ‘yun magagawa.

“Sinabi niya (Willie) hindi ko talaga puwedeng gawin matindi ang respeto ko sa Tito, Vic and Joey.

“Saka alam mo hindi lang kasi basta magkakasama sa trabaho, magkababayan sina Kuya Tito at Bossing Vic (at) si Willie. Puro taga-Cabanatuan sila malalim kapag may regional na pinag-uusapan kaya talagang tinanggihan niya, ‘hindi ako pupuwedeng lumabas sa programa n’yo.’ Ayun, di ba?  Napakaganda para kay Willie,” aniya pa.

Say naman ni Romel Chika, “Opo napakaganda ‘yun plus pogi points po kay Kuya Will kasi hangga’t nandoon ‘yung title ng ng Eat Bulaga talagang mahihirapan ang mga artistang lehitimong nagmamahal at sumusuporta sa totoong Eat Bulaga, eh.”

Nasabi ring tila may tampo ang mga tagapamahala ng TAPE, Inc, “Tulad ngayon ang sama-sama ng loob ng mga taga-TAPE, kasi ‘yung mga artista ng GMA 7 na matagal na nilang iniimbita para lumabas sa kanilang programa kamukat-mukat mo, nasa It’s Showtime nu’ng Sabado. O di ba, napakasakit nga naman no’n! Sampal na mag-asawa ‘yun.

“Aminin po natin ang katotohanan heavy weight po ang Tito, Vic and Joey at ang Dabarkads. Inuulit po namin ang dalawa po na kumalaban sa kanila (It’s Showtime) na nakipagsalpukan, boksing po ito wala lang sila sa lona (ring).  Excuse me, sabihin na nating magkaiba sila ng timbang,” sabi pa ni Nay Cristy.

Anyway, may binasa ang veteran columnist  pero hindi niya pinangalanan kung kanino galing, “Kung ang Jalosjos hindi raw tutol kaso blocktimer lang sila (TAPE). Ang may-ari pa rin ng istasyon ang masusunod, kung tutuusin sila pa nga ang puwedeng syonggalin (gay lingo para sa salitang tanggalin), eh. depende na lang sa pinirmahang kontrata ‘yan!”

Bukas ang BANDERA sa panig naman ng TAPE tungkol sa isyung ito.

Related Chika:

Michael V gustong mag-guest si Vice Ganda sa bagong ‘Bubble Gang’: ‘Sana nga mabigyan ng chance’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda bet mag-guest sa isang show sa GMA 7, lalabas kaya sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending