Apela ni Bullet Jalosjos: ‘Sana bigyan po kami ng chance, ang bagong stars ng Eat Bulaga’
NANAWAGAN sa publiko ang chief finance officer ng production company ng TAPE Inc. na si Dapitan Mayor Bullet Jalosjos na bigyan ng pagkakataon ang bagong bihis na noontime show na Eat Bulaga.
Kung maaalala noong June 5 lamang ay ipinakilala ang bagong set ng hosts ng nasabing show.
Ito ay pinangungunahan ngayon nila Paolo Contis, Cassy at Mavy Legaspi, Betong Sumaya, Alexa Miro at Buboy Villar.
Sa panayam sa programang “The Source” ng CNN Philippines, inamin ni Mayor Bullet na walang makakapantay sa OG hosts ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
Gayunpaman ay umaapela siya sa mga manonood na bigyan sila ng tiyansa upang patunayan ang kanilang sarili sa publiko.
Baka Bet Mo: Tito Sotto nangakong itutuloy ang ‘Eat Bulaga’ online: Target po namin umabot ng 50 years!
“We are not trying to compare. We never intended to compare. We are not here to compare them to our new TV hosts,” sey niya sa interview with Pinky Webb.
Dagdag pa niya, “I will always repeat that we will never beat TVJ. TVJ will always be TVJ. We can never compete with them.”
Binigyang-diin din ng executive ng production company ang layuning ng Eat Bulaga na magbigay ng plataporma para sa baguhang talents na matagal na raw na nawala.
“Sana bigyan po kami ng chance para mabigyan din ng opportunities ang bagong stars na makabigay kami ng platform to have them shine. ‘Yun naman ang essence ng ‘Eat Bulaga,’” sambit ni Mayor Bullet.
Paliwanag pa niya, “Medyo nawala ‘yan along the way. Ang essence ng ‘Eat Bulaga’ is to find raw, good talents and for us to give them the platform.”
“If the people want to watch the old TVJ, then they can always look into that channel, pero kung gusto nilang makakita ng mas bago, mas masaya, mas energetic, new faces, they can go back to EB,” patuloy niya.
Ani pa ng alkalde, “Sana naman po bigyan niyo naman po ng pagkakataon ang mga talents namin na ipakita at mapasaya ang mga taong-bayan during this time.”
“Wala naman po kaming hangarin kung hindi magbigay saya sa ating mga taong-bayan at manonood,” saad niya.
Matatandaan noong May 31 nang pormal ng ipinabatid ng TVJ sa publiko na lilisanin na nito ang TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga.
Kasunod niyan ay nag-resign na rin ang iba pang main hosts ng noontime show na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, Allan K at Ryzza Mae Dizon.
Bukod sa mga hosts ay marami na rin mula sa produksyon ang nag-alisan sa “Eat Bulaga” gaya ng mga writers, cameraman at mga empleyado sa sales.
Naging malungkot naman ang TAPE sa nangyari at sinabing nirerespeto nila ang naging desisyon ng mga host.
Kasabay niyan ay siniguro ng kumpanya na magbibigay pa rin sila ng “quality entertainment” sa publiko at sa mga taga-suporta ng naturang noontime show.
Related Chika:
Tito Sen ayaw magpa-interview kay Boy Abunda tungkol sa kontrobersyang bumabalot sa Eat Bulaga?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.