Tito Sen ayaw magpa-interview kay Boy Abunda tungkol sa kontrobersyang bumabalot sa Eat Bulaga?
KALAT na ngayon ang chika na tumanggi umano ang TV host-public servant at dating senador na si Tito Sotto na magpa-interview kay Boy Abunda hinggil sa mga problemang kinakaharap ng “Eat Bulaga.”
Marami ang nagtatanong kung bakit walang panayam si Tito Sen kay Tito Boy gayung sa programa nitong “Fast Talk with Boy Abunda” nagsalita si Dapitan Mayor Bullet Jalosjos, ang chief finance officer ng TAPE, Inc. tungkol sa mga isyung bumabalot sa Kapuso noontime show.
Nagpa-interview ang dating Senate President kay Nanay Cristy Fermin at sa iba pang TV host pero walang napanood na panayam ang publiko sa “Fast Talk”.
View this post on Instagram
Sa isang vlog ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz, hindi raw talaga nagpa-interview si Tito Sen kay Tito Boy dahil ang feeling daw nila nina Vic Sotto at Joey de Leon ay parang pumabor ang mga questions ng veteran host at talent manager kay Mayor Bullet.
May nakapagsabi raw kay Ogie na isang source tungkol sa sentimyento ng iconic trio pero sa pagkakakilala raw niya kay Tito Boy, imposibleng hindi kunin ng kanilang programa ang panig ng magkabilang kampo.
“Choice daw ni Tito Sen na ‘wag magpa-interview kay Kuya Boy. Iyon lang ang nakarating sa atin.
Baka Bet Mo: Boy Abunda hindi kayang tiisin si Mariel Padilla: I will sell my house for you
“Na feeling daw ng kampo ng TVJ, parang masyadong pabor ang mga tanong ni Kuya Boy kay Bullet. Parang before handa daw parang nag-usap si Bullet at si Kuya Boy,” ang pahayag ni Papa O sa kanyang vlog.
Aniya pa, “Knowing Tito Boy, kukunin pa rin niya yung panig ng kabila, kapag ayaw wala rin naman siyang magagawa.”
View this post on Instagram
Ang punto pa ng vlogger, “Normal lang ho ‘yon sa nag-iinterview na bago sumalang on cam ay kakausapin ka muna off cam. Normal po ‘yon.”
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang pahayag sina Tito Sen, Bossing Vic, Tito Joey at Tito Boy hinggil sa isyung ito.
Pero naniniwala rin kami na walang intensyon si Tito Boy na saktan ang damdamin ng TVJ. Si Tito Boy pa na walang kinikilingan at pinoprotektahan pagdating sa pagbabalita ng mga kaganapan sa showbiz.
Sana’y makapag-usap nga ang TVJ at si Tito Boy para once and for all ay maayos na ang isyung ito. Nauna nang sinabi ng premyadong host na kinunan din nila ng reaksyon and grupo nina Tito Sen para sa ikalilinaw ng kontrobersya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.