Tito Sen naglabas ng sama ng loob: ‘Masagwa pakinggan ‘yung mare-retain kami, para bang pwede kaming sipain… eh, kami nga ang Eat Bulaga’
NAGSALITA na ang dating senador at veteran TV host na si Tito Sotto sa mga naglalabasang isyu at kontrobersya tungkol sa longest-running noontime show sa bansa, ang “Eat Bulaga.”
Naglabas ng saloobin ang aktor at public servant sa mga naging pahayag ni Dapitan Mayor Bullet Jalosjos na siyang chief financing officer ng TAPE (producer ng Eat Bulaga) sa “Fast Talk With Boy Abunda” ilang araw na ngayon ang nakararaan.
Hindi nagugustuhan ni Tito Sen kapag tinatanong kung mananatili ba sila nina Vic Sotto at Joey de Leon o ang TVJ sa “Eat Bulaga” sa gitna ng sinasabing “rebonding” o “rebranding” ng programa.
View this post on Instagram
“I am disappointed, at the very least. I am disappointed at what is happening. Kasi may mga nababasa ako na sulat sa ganito…ika nga nakakahirap ng damdamin namin,” ang pahayag ni Tito Sen sa panayam ni Nelson Canlas.
Sa panayam kasi ni Boy Abunda kay Mayor Bullet, nilinaw nito na walang matatanggal sa mga host ng “Eat Bulaga” at hindi totoo ang balitang magkakaroon ng malawakang pagbabago sa show.
Baka Bet Mo: True ba, Sharon kinukuha sa bagong show nina Tito, Vic & Joey kapag nilayasan na ang Eat Bulaga?
Rebelasyon ni Tito Sen, “They were asking everyone to resign, especially yung maliliit ang income. Pinagre-resign, pinag-reretire at ire-rehire naman daw.
“Sabi ko what is the guarantee that they will be rehired sa oras na mag-retire sila. Eh, kasi raw para daw maisyos ang budget, mas mababa ang isusuweldo,” pagsisiwalat pa niya.
View this post on Instagram
“What do you expect us to feel? How do you expect us to feel?” mariin pa niyang sabi.
Dugtong pa niyang paliwanag, “Masagwa pakinggan sa amin ‘yung mare-retain kami para bang pwede kaming sipain. Eh, kami nga ang Eat Bulaga.
“Kaya ‘yung mga ganong salita, my unsolicited advice to them is mag-iingat naman kayo ng mga bitaw na salita lalo nakakasakit ang salita ninyo.
“Kami pigil na pigil kami, ang tagal na naming gustong ilabas ‘yan pero pinipigil namin tapos biglang babanatan kami ng ganyan.
“Para namang napakakawawa namin. I think it’s improper. That kind of statement is improper,” ang emosyonal pang pahayag ni Tito Sen.
Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng kampo ni Mayor Bullet hinggil sa isyung ito.
‘Fast talk’ video ni Alden kay Tito Boy muli na namang kumalat sa socmed, bakit kaya?
Boy Abunda hindi kayang tiisin si Mariel Padilla: I will sell my house for you
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.