'Fast talk' video ni Alden kay Tito Boy muli na namang kumalat sa socmed, bakit kaya? | Bandera

‘Fast talk’ video ni Alden kay Tito Boy muli na namang kumalat sa socmed, bakit kaya?

Therese Arceo |June 09,2022
facebook
share this

‘Fast talk’ video ni Alden kay Tito Boy muli na namang kumalat sa socmed, bakit kaya?

Therese Arceo - June 09, 2022 - 08:39 PM

Alden Richards

MULING lumitaw sa Facebook ang isang video clip na kuha mula sa naging interview ng Kapuso actor na si Alden Richards kay King of Talk Boy Abunda.

Marami kasi sa mga netizens ang tila nawindang sa naging sagot ng aktor sa pangmalakasang “Fast Talk” ni Tito Boy nang mag-guest siya sa show nito para i-promote ang kanyang blockbuster hit movie na “Hello Love Goodbye” kung saan nakatambal niya ang longtime girlfriend ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo.

Sa naturang video na kumakalat sa social media, matapang at mabilis na sinagot ni Alden ang medyo “naughty” questions ni ibinabato ni Tito Boy sa kanya.

“Lights on or lights off,” tanong ni Tito Boy na sinagot ng binata ng “lights off”.

Muling tanong ng King of Talk, “sex or chocolates” at “sex” ang napili ni Alden.

Nang tanungin naman siya kung boobs ba or butt ang kanyang pipiliin ay diretsahan niyang sinabi na “boobs, Tito Boy”.

At ang nakakaloka at talaga namang exciting part ng naturang video ay ang naging sagot ni Alden sa tanong ni Tito na kung bubuksan ngayon ang kanyang puso, anong pangalan ng babae ang nakasulat dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)

Proud na say ng aktor, “Mama Mary”.

Kaya naman hindi talaga maawat ang pag-share ng madlang pipol sa Facebook ng naturang video dahil talaga namang super nakakaloka ang panghuling sagot nito.

“Maginoo pero medyo bad boy,” saad ng isang netizen.

Natatawang comment naman ng isa, “Pagkatapos ng lahat ng pinili mo, sabay sasabihin mo Mama Mary.”

“Ang gusto ko sa lalaki ay yung bad boy na makaDiyos,” hirit naman ng isa.

Sa ngayon ay abala si Alden sa kanyang mga upcoming projects sa Kapuso network at isa na nga rito ang magiging Filipino adaptation ng Korean series na “Start Up” kung saan pagbibidahan nila ito ni Bea Alonzo kasama sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Miss Universe Spain 2021 Sarah Loinaz gwapung-gwapo kay Alden Richards, pero…

Alden Richards ibinandera ang topless photos, pinainit ang social media

Bea Alonzo, Alden Richards bibida sa Filipino adaptation ng hit KDrama ‘Start Up’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending