Alden Richards ibinandera ang topless photos, pinainit ang social media | Bandera

Alden Richards ibinandera ang topless photos, pinainit ang social media

Therese Arceo |February 03,2022
facebook
share this

Alden Richards ibinandera ang topless photos, pinainit ang social media

Therese Arceo - February 03, 2022 - 08:01 PM

Alden Richards ibinandera ang topless photos, pinainit ang social media

IBANG level ang init ngayong araw matapos mag-post ng topless photos ang Kapuso actor na si Alden Richards sa Instagram ngayong Huwebes, February 2.

Walang caption ang post ng aktor ngunit sapat na ang kanyang mga litrato para pasayahin at pakiligin ang madlang pipol.

Marami sa mga netizens ang labis na natuwa sa abs na pa-ayuda ng aktor.

“Mamahalin, pagsisilbihan, paglulutuan, luluhuran, lahat na Alden,” comment ng isang netizen.

“Ay hala, ang dami na naman mapapaso,” saad naman ng isa pa.

“Dami na namang maloloka. Paano makamove forwARd sa pila?” sey naman ng isa pa.

Hirit naman ng isa pang netizen, “Ang sarap gumising sa umaga lalo na pag may pandesal na nakahain.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)

Sa ngayon ay umabot na ng halos 76,000 likes at mahigit isang libong comments ang naturang post ng aktor.

Ilan sa mga artistang nag-like at nag-react sa post ni Alden ay sina Jo Berry, Bubbles Paraiso, at Iza Calzado.

Ang mga litrato ay kuha ng sikat na photographer na si Mark Nicdao.

May ilan naman na nagsasabing tila pahiwatig ito ng pagiging “Kapamilya” dahil sa red, green, at blue colors ng mga larawan na kulay ng ABS-CBN logo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero may mga nagsasabing para raw ang mga larawan sa isang bagong endorsement ni Alden na hindi pa pinapangalanan kung ano o saan.

Sa ngayon ay abala ang aktor sa paghahanda sa nalalapit na kauna-unahang pagtatambal nila ni Bea Alonzo sa isang Kapuso teleserye.

Related Chika:
Alden may mga childhood memory na ayaw nang balikan: Because it was so painful…
Payo ni Bea Alonzo sa lahat ng may pinagdaraanan: Just have faith!
Pink wedding ring ni Jessy nagkakahalaga na ng isang bonggang bahay
Bea ipapasok daw sa serye nina Alden at Jasmine; Gerald kinampihan ni RR Enriquez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending