Bea ipapasok daw sa serye nina Alden at Jasmine; Gerald kinampihan ni RR Enriquez Bandera

Bea ipapasok daw sa serye nina Alden at Jasmine; Gerald kinampihan ni RR Enriquez

Reggee Bonoan |August 26,2021
share this

Bea ipapasok daw sa serye nina Alden at Jasmine; Gerald kinampihan ni RR Enriquez

Reggee Bonoan August 26, 2021 - 03:47 PM

Alden Richards, Bea Alonzo at Jasmine Curtis

TRULILI kaya ang nasagap naming tsika na kaya may season break ang serye nina Alden Richards at Jasmine Curtis sa GMA 7 ay dahil wala na silang nakabangkong episodes dahil hindi sila nakapag-taping dulot ng COVID-19 restrictions?

Meron namang nagbulong sa amin na ang nagdesisyong mag-season break ang production dahil plano raw baguhin ang script dahil balak  ipasok sa serye si Bea Alonzo.

Dapat sa pelikula unang magsasama sina Alden at Bea pero dahil hindi pa ito masimulan kaya ipapasok muna ang bagong Kapuso actress sa seryeng “The World Between Us”. Ito’y para makita na rin daw ang chemistry ng dalawa at feedback mula sa viewers.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng GMA hinggil sa usaping ito?

* * *

Kung lahat ay hinuhusgahan si Gerald Anderson ay iba naman ang aktres at negosyanteng si RR Enriquez dahil ipinagtatanggol niya ang aktor ngayon.

Ni-repost ni RR ang art card ni Gerald dito sa BANDERA kung saan sinabi nitong hindi pa niya maaaring pakasalan ang girlfriend niyang si Julia Barretto dahil bata pa at marami pang mai-offer sa showbiz industry.

Caption ni RR, “Gosh tigilan nyo kaka bash kay Gerald. Walang masama sa sinabi nya. Sawsaw kayo ng sawsaw, makikisawsaw na din ako para join force tayo! CHAR. Ito ang nagagawa ng pandemya! Makichismis ng makichismis.

“Actually gusto ko magkaroon ng sariling vlog show since mahilig ako makisawsaw in a good way (hindi yung maninira lang ng tao) basta magku-comment lang.  Ganern! So start ko now?

“Wala namang masama sa sinabi ni Gerald. Wala din naman s’ya sinabi na ayaw nya pakasalan si Julia. He’s just being wise sa decision nya!

“Julia is still young. Madami pa talaga sya io-offer sa industriya. Sayang din ‘yung opportunity.

“Ito din ‘yung time na dapat ini enjoy lang muna nila yung relationship nila as boyfriend and girlfriend. Ilang years pa lang ba sila at bakit gusto nyo ikasal na sila?

“Yung iba kasi akala nila solusyon palagi ang kasal! Parang kasal ang mag di-define sa pagkatao mo! Tapos ending ang dami nagpakasal na nag hiwalay. Or kasal nga pero mga miserable ang buhay mag asawa.

“Sobrang dami nagdi-divorce ngayon. Why? Isa sa dahilan mga nagmamadali magpakasal. Yung grabe mag plan ng wedding pero hindi naplano ‘yung word na marriage!

“Pero hindi ko nilalahat yan ha. Madami din ako kakilala na sobrang tibay ng marriage life nila. Mas madami lang talaga ang naghihiwalayt na kung makipag divorce akala mo jowa ‘yung dinivorce.

“Kaya hayaan natin yung tao, if he doesn’t want go get married for now huwag natin sya pakialamanan.

“Ako nga 38 na at si frog 45 (Jayjay Helterbrand) pero wala kami ka plan-plan. Pero mas tumagal pa relasyon namin sa ibang nagpakasal. Ehem proud 12 years.

“So, you see huwag natin gamitin ang salitang kasal para lang masabing sineryoso tayo ng tao. Or minahal tayo ng tao. Dahil sa panahahon ngayon, traffic na lang sa edsa ang tumatagal. CHAR.”

Samantala, humihingi ng advice si RR kung anong magandang titulo ng vlog na gusto niyang simulan, “Any name ng talk show vlog na maisa suggest nyo? Parang gusto ko gawin?”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending