Pink wedding ring ni Jessy nagkakahalaga na ng isang bonggang bahay
USAP-USAPAN ang pink diamond wedding ring ni Jessy Mendiola nang ikasal ito kay Luis Manzano noong February.
Naglabasan na ang wedding photos and videos ng magdyowa at marami ang natuwa sa civil wedding nila na ginanap sa isang famous resort sa Batangas.
Agad na napansin ng netizens ang pink wedding ring ni Jessy. May isang website at YouTube channel na nagsabing napakamahal nito. Sa isang website, sinasabing nagkakahalaga na ito ng isang bahay.
Sa isang YouTube post naman, sinabing nagkakahalaga ng $20,000 hanggang $220,000 per carat ang pink diamond. Ganoon ito kamahal dahil isa ito sa rarest diamonds sa buong mundo.
Marami ang nag-react sa lumbas na article sa isang website. Mix ang reactions ng netizens.
“Maghihiwalay din yan tulad ng iba,” say ng isang basher.
“Congrats po sa inyo. naway magsama kau ng pangmatagalan at bumuo ng familya na magkasama sa hirap at ginhawa kasama ang ating panginoon. pero sana di na sinabi ang halaga ng singsing. kc kami alang bahay eh,” say ng isang netizen.
“Lucky you and you deserve it,” said one fan.
“Oki lang yan affford naman nila,” sabi naman ng isa pang netizen.
* * *
Nagpapasalamat si “Pinoy Big Brother Otso” housemate na si Ali Abinal na napasama siya sa teleseryeng “Bagong Umaga” kahit pinatay na ang character niyang si Gab Florentino na kapatid ng character ni Tony Labrusca na gumaganap bilang Ely.
Nabiktima ng hit and run ang character ni Ali kaya siya namatay. Dapat sana ay si Ely ang masasagasaan pero iniligtas siya ng kanyang kapatid.
“Ang masasabi ko po sa mga audience, sana po keep supporting Bagong Umaga and maraming-maraming salamat po na sinuportahan ninyo ang BU. Sana po ay mag-ingat kayo palagi and stay safe. Laging magma-mask,” say ni Ali sa isang interview.
Sabi pa ni Ali, mami-miss niya ang show at napapasalamat siya at naging parte siya nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.