True ba, Sharon kinukuha sa bagong show nina Tito, Vic & Joey kapag nilayasan na ang Eat Bulaga? | Bandera

True ba, Sharon kinukuha sa bagong show nina Tito, Vic & Joey kapag nilayasan na ang Eat Bulaga?

Reggee Bonoan |March 06,2023
facebook
share this

True ba, Sharon kinukuha sa bagong show nina Tito, Vic & Joey kapag nilayasan na ang Eat Bulaga?

Reggee Bonoan - March 06, 2023 - 10:18 AM

True ba, Sharon kinukuha sa bagong show nina Tito, Vic & Joey kapag nilayasan na ang Eat Bulaga?

Sharon Cuneta, Joey de Leon, Vic Sotto at Tito Sotto

TRULILI kaya ang nakuha naming tsika na kaya biglang nagsabi si Megastar Sharon Cuneta na “free agent” na siya ngayon o puwede nang magtrabaho sa anumang TV network ay dahil posibleng tinawagan siya ng APT Entertainment na pag-aari ni Antonio P. Tuviera?

Hindi na raw konektado ngayon sa TAPE, Inc., ang APT bilang producer ng “Eat Bulaga.”

Balitang nakikipag-meeting na si Mr. T (Tuviera) sa NET25 kasama sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon na may sari-sariling programa sa nasabing TV network na pag-aari ng Eagle Broadcasting Corporation o EBC.

Isa kaya si Sharon sa makakasama ng TVJ sa bagong programa nila na may working title na “Dabarkads”?

Si Tito Sen ay may programang “Reality Check” na kakasimula lang nitong Sabado, Marso 4, si Vic naman ay kasama ang asawang si Pauleen Luna-Sotto at anak na si Tali sa “Love, Bosleng and Tali” at si Joey naman ay may “Oh No! It’s B.O! (Biro Only).”

Inamin ni Sharon na matagal na siyang walang kontrata sa Kapamilya network. Post niya sa kanyang Facebook account kahapon, Linggo, “For the first time in all these decades, I don’t have a long-term contract with my station.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


“I know it is a number of things that have caused this. We lost our franchise, the station has way too many stars now and we of the “old guard” have to give way.

“So while I will always be there when they need me and will always be grateful, I guess it is understandable that I for now consider myself a free agent. It’s time I opened myself up to other stations that may need my services, while always keeping my Kapamilya ‘duties,’ if and when they come. One goes only where one is needed,” aniya pa.

Itinanggi rin ng aktres na may nakausap na siyang network, “And no, wala pa akong nakakausap na kahit sino mula sa kahit anong istasyon, for the record lang po. I love you, ABS-CBN. My memory and loyalty are unquestionable.

“But a girl’s gotta work where she can and where she’s wanted. See you again hopefully soon, whenever you may need me! (three heart emojis, logo ng ABS-CBN),” sabi ni Sharon.

At higit sa lahat, pinasalamatan niya si Coco Martin na lagi siyang inaalala, “P.S. Coco anak, ikaw ang may malasakit sakin at lagi akong iniisip. Abot-langit ang pasasalamat ko sayo at habang buhay kita mamahalin! #coryvidanes #carlokatigbak #marklopez @direklauren @michellearville @ernielopez_ph @deo_endrinal @malousantos03 @direk.olivialamasan.”

Bukas ang BANDERA sa panig ni Sharon tungkol dito.

* * *

Hindi pa pala nakakaalis sina Judy Ann Santos, Sam Milby, Direk Rahyan Carlos at ang production staff ng pelikulang “The Diary of Mrs. Winters” patungong Toronto, Canada para mag-shoot dahil hindi pa lumalabas ang working visa nila.

Sitsit ng aming source ay November, 2022 pa nag-apply ng working visa ang Happy Karga Films at AMP Studios pero hanggang ngayon ay hindi pa ito bumababa kaya nakatengga ang mga artista ng “The Diary of Mrs. Winters.”

Kaya pala nakikita namin sa post sa social media accounts ng ilang cast ng pelikula na nandito pa sila sa Pilipinas at may kanya-kanyang ganap tulad ni dating FDCP Chairperson Liza Diño na kasalukuyang nasa Boracay para sa family bonding kasama ang anak na si Amara at asawang si Ice Seguerra.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rahyan Carlos (@rahyancarlos)


Sa kaso ni Sam ay wala siyang problema sa visa dahil US citizen siya at anytime ay puwede siyang pumunta sa Canada.

At habang wala pa siyang shooting ay join muna siya sa Star Concert series sa iba’t ibang major cities sa Amerika kasama sina PIolo Pascual, Inigo Pascual, Yeng Constantino, Erik Santos, Zephanie, Kyla, Jason Dy, KZ Tandingan at 2018 Miss Universe Catriona Gray with guest VXON na ididirek naman ni John Prats.

Going back to “The Diary of Mrs. Winters” ay posibleng kunan muna rito sa bansa ang ilang eksenang kailangan habang naghihintay ng kanilang visa para hindi masayang ang panahon.

Joey bumanat sa mga nagpapakalat ng fake news; suportado si Tito sa pagtakbo

Joey de Leon tsinatsansingan noon si Lolit Solis; may dream project para sa lahat ng ‘Eat Bulaga’ Dabarkads

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joey naging totoo at responsable sa 16 na anak; sumabak sa ‘name challenge’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending