Joey de Leon tsinatsansingan noon si Lolit Solis; may dream project para sa lahat ng 'Eat Bulaga' Dabarkads | Bandera

Joey de Leon tsinatsansingan noon si Lolit Solis; may dream project para sa lahat ng ‘Eat Bulaga’ Dabarkads

Ervin Santiago |December 15,2022
facebook
share this

Joey de Leon tsinatsansingan noon si Lolit Solis; may dream project para sa lahat ng ‘Eat Bulaga’ Dabarkads

Ervin Santiago - December 15, 2022 - 07:48 AM

Joey: Dream ko talaga magkaroon ng movie lahat ng host ng ‘Eat Bulaga’, may istorya na nga ako kaya lang madugo ‘yun

Joey de Leon, Vic Sotto at Tito Soto

KUNG may isang dream project na naiisip gawin ang Henyo Master na si Joey de Leon, yan ay walang iba kundi ang pelikulang pagbibidahan ng mga “Eat Bulaga” Dabarkads.

Knows ni Joey na mahirap maisakatuparan ang naiisip niyang proyekto dahil magiging madugo ang produksyon nito dahil ang plano niya ay pagsama-samahin ang lahat ng naging host ng noontime show.

Sa nakaraang presscon ng comeback movie niyang “My Teacher” na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2022 kasama si Toni Gonzaga, nabanggit nga ng veteran TV host-comedian ang tungkol dito.

Aniya, hindi na talaga siya gumagawa ng pelikula na pang-filmfest at madalas nga ay guest lang siya sa mga MMFF entries ng kaibigan niyang si Vic Sotto.

“Semi-retired na ako sa pelikula. Hindi na talaga ako gumagawa. Mas masarap sa bahay at saka byahe-byahe na lang ako,” aniya pa.

At dito na nga niya nabanggit na gusto niyang magkasama-sama sa isang pelikula ang lahat ng “EB” Dabarkads.

“Ako dream ko talaga magkaroon kami ng movie, ang ‘Eat Bulaga’ lahat ng host, cast, pati mga dati. May istorya na nga ako eh. Kaya lang madugo ‘yun, lahat kasali eh,” ani Joey.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)


Samantala, dahil tungkol nga sa mga guro at estudyante ang “My Teacher” nila ni Toni, natanong si Joey tungkol sa talent manager na si Lolit Solis na naging kaklase pala niya noong grade 4.

“Ako ‘yung teacher’s pet pero kini-claim niya (Lolit) na siya. Sabi nga niya naiinis siya sa akin kasi paborito raw ako ng teacher,” sabi ng komedyante.

Hindi rin daw niya niligawan si Manay Lolit, “Hindi, hindi, hindi pa ako noon, eh (nanliligaw). Noong tumanda saka ko siya tsinatsansingan. Ha-hahaha! Sabi ko, ‘uy laki ng boobs mo a!’”

Bigla namang nagseryoso si Joey nang mapag-usapan ang sakit ni Manay Lolit at sinabing magpagaling na ito agad, “I love you, I love you.”

Sa edad niyang 76 ay maganda pa rin ang pangangatawan at kalusugan ni Joey pero may mga maintenance na rin siya.

“Puro taba nga ang kinakain ko, eh. Sabi ng nanay ko, at a certain age kapag lumampas ka na ng 65 o 70 kahit ano pwede mo nang kainin, may mga pangontra naman sa asukal o sa taba,” sabi ng komedyante.

Showing na ang “My Teacher” sa December 25, mula sa Ten17 at TinCan Productions at kasama rin dito sina Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Pauline Mendoza, Isaiah dela Cruz, Kych Minimoto at Carmi Martin, sa direksyon ni Paul Soriano.

Joey de Leon may sex life pa ba sa edad na 76?

Joey harap-harapang inaming nagtampo kay Toni nang umalis sa ‘Eat Bulaga’: Selfish lang kami noon, pero good for her

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joey bumanat sa mga nagpapakalat ng fake news; suportado si Tito sa pagtakbo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending