Joey de Leon may sex life pa ba sa edad na 76? | Bandera

Joey de Leon may sex life pa ba sa edad na 76?

Reggee Bonoan |December 14,2022
facebook
share this

Joey de Leon may sex life pa ba sa edad na 76?

Reggee Bonoan - December 14, 2022 - 09:37 AM

Joey de Leon may sex life pa ba sa edad na 76?

Joey de Leon

HINDI inisip o inasam ni Joey de Leon na manalong best actor sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2022 na gaganapin sa New Frontier Theater sa Disyembre 27.

Ang gusto lang niya ay mapanood ng maraming tao ang kanilang pelikula.

“Hindi ko na (inaasahan ‘yun), ang importante mapanood ng tao ‘yung pelikula namin ni Toni (Gonzaga-Soriano), ano na lang bonus na lang (kapag nanalo).

“Well, maraming magaling, eh. Kita mo nga kumpleto halos (walong pelikula) talagang revenge (sa pagbabalik ng pelikula). Ngayon masigasig na,” sagot ng TV host-actor.

Kaya lang, may napuna si Joey nang dumaan siya sa kahabaan ng Quezon Avenue patungo ng Winford Manila Resort and Casino para sa grand mediacon ng “My Teacher”, kulang daw ang posters na nakasabit sa mga lansangan for promotion.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)


Nanawagan si Joey sa mga taga-Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, “Sa kahabaan ng Quezon Boulevard, kinukuwento ko kay Carmi (Martin), napadaan ako, Direk (Paul Soriano). Nagsusumbong din ako. May mga poster sa gitna, nakalagay, ‘Balik Saya,’ di ba?

“Pero wala yung tatlong pelikula ‘yung kay Coco (Martin, Labyu with an Accent), kay Vice Ganda (Partners in Crime) at saka yung sa atin. Hindi ko nakita.

“Yung nandu’n sa anak ko, kay Ian Veneracion (sa Joey and Son), ‘yung ‘Nanahimik ang Gabi, ‘yung Deleter, yung si Family Matters, ‘yung My Father, Myself.

“Paulit-ulit sila (nakakabit ang posters). Siguro tig-tatlo, tig-apat ‘yung nakita ko. Pero wala ‘yung tatlong pelikula. Ako ho ay nagsusumbong. Bakit, Direk, bakit wala tayo? E, baka hindi pa nakabit,” paliwanag ni JDL.

Abangan ang magiging sagot diyan ng MMDA dahil may presscon sila sa Novotel ngayong hapon, Miyerkoles, December 14.

Samantala, natanong si Joey sa edad niyang 76 kung hindi pa huli ang makipag-make love. Binalikan ng aktor ang nagtanong, “Okay ka lang ba? Ulit-ulit, take two.”

Tanong ulit, “Do you believe that it’s not too late to fall in love and to make love at the age of 76, kaya pa ba?”

Ang sagot ng komedyante, “Yung totoo, fall in love yes, pero ‘yung make love? Wala na, holding na lang, whatever.”

Joey harap-harapang inaming nagtampo kay Toni nang umalis sa ‘Eat Bulaga’: Selfish lang kami noon, pero good for her

Joey bumanat sa mga nagpapakalat ng fake news; suportado si Tito sa pagtakbo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joey naging totoo at responsable sa 16 na anak; sumabak sa ‘name challenge’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending