Carlo Katigbak proud sa Batang Quiapo: Nangingibabaw pa rin ang programa natin
#FPJBQSaludoKayTanggol, ito ang hashtag ng okasyong ginanap sa ABS-CBN ELJ Building ngayong araw kung saan halos lahat ng empleyado ng Kapamilya channel ay sinalubong si Coco Martin.
Hindi naman maitatago na ang programang “FPJ’s Batang Quiapo” ang money-maker ngayon ng ABS-CBN kaya naman ganito na lang ang pagsalubong ng lahat kasama na ang big wigs sa pangunguna ng Presidente ng network na si Ginoong Carlo Lopez Katigbak, Chairman Mark Lopez, Chief Operating Officer Cory Vidanes, Head of TV Production/Star Magic head Laurenti Dyogi at ka-join din ang Dreamscape Entertainment executive na si Kylie Manalo-Balagtas at director na si Jojo Saguin.
Madamdamin ang naging pahayag ni Ginoong Katigbak sa ibinigay na hero’s welcome kay sa cast ng “FPJ’s Batang Quiapo” at inamin din nito kung gaano siya kasaya kasama ang lahat ng taga-Kapamilya.
Baka Bet Mo: Coco matindi ang paghahanda sa bagong season ng Batang Quiapo
Aniya, “Wala pa tayong istasyon, wala pa tayong prangkisa pero nangingibabaw pa rin ang programa natin.
“Wala talagang katapat ang inyong talento at galing sa pagku-kwento sana lagi natin alalahanin na ginagawa natin ito hindi para sumikat pero para magbigay ng saya, inspirasyon at pag-asa sa ating mga Kapamilya.
“Dahil sa galing na pagbibigay ninyo ng serbisyo sa taumbayan, kumikita tayo at nakakatulong tayo pamilya natin dito sa ABS-CBN.
“Sa lahat ng ginagawa ninyo para sa Pilipino at sa pamilya natin dito sa ABS-CBN. Coco at sa iyong mga kasama sa Batang Quiapo, Maraming maraming salamat.”
Sang-ayon ang lahat sa pahayag na ito ng hepe ng ABS-CBN at maging ang mga kasamahan ni Coco ay halos iisa ang sinasabi, malaking tulong siya sa lahat lalo na sa mga artistang halos nilimot na ng panahon at hindi na nabibigyan ng importansiya.
View this post on Instagram
Isa si Ms Celia Rodriguez sa nagsabing kailangan si Coco ng industriya sa panayam niya noon kay Ms Korina Sanchez-Roxas.
“He knows how to share. Life is sharing. Kapag multi-millionaire ka hindi ka tumutulong sa kapwa, basura ka sa akin. I’ve heard so many stories about Coco helping other people. Kaya sabi ko sa sulat o text ko sa kaniya, “the industry needs you.” Bilib ako sa batang ‘yun. Sana tularan niyo si Coco Martin,” saad ng beteranang aktres.
At ngayon ay isinama si Ms Celia sa BQ kaya’t excited siya sa karakter na gagampanan niya na hindi pa nakuwento sa amin ng taga-ABS-CBN kung ano ito.
Say naman ni Coco ay kaabang-abang ang Batang Quiapo sa mga susunod na episodes dahil mas ma-aksyon ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.