Carlos Yulo, Chloe San Jose barag na naman dahil kay Karl Eldrew
NAKATIKIM na naman ng masasakit at maaanghang na salita mula sa mga bashers sa social media ang magdyowang Carlos Yulo at Chloe San Jose.
Ito’y dahil lamang sa isang simpleng tanong ng two-time Olympic gold medalist na si Caloy sa girlfriend niyang si Chloe patungkol sa kapatid niyang si Karl Eldrew Yulo.
Sa unang pagkakataon mula nang sumabog ang mga kontrobersya at intriga sa pamilya Yulo ay muli ngang nakita ng publiko na magkasama sina Carlos at Eldrew.
Nangyari ito sa awards night ng Philippine Sportswriter Association (PSA), kahapon, January 26, sa Manila Hotel kung saan pinarangalan si Carlos bilang Athlete of the Year dahil sa tagumpay niya sa 2024 Paris Olympics. Kasama niya sa naturang event si Chloe.
Baka Bet Mo: Carlos at Eldrew Yulo muling nagkasama, game na nagpa-picture
Si Eldrew naman ay ginawaran ng special citation para rin sa larangan ng gymnastics dahil sa tagumpay niya sa iba’t ibang competition na kanyang sinalihan.
In fairness, natuwa naman ang mga netizen sa muling pagkikita ng dalawa kahit na nga wala sa event ang kanilang mga magulang na sina Angelica at Mark Andrew Yulo.
Kasunod nito, kumalat na nga sa social media ang 10-second video ng panayam ng GMA kay Karl Eldrew kung saan makikita at maririnig si Caloy na nagtanong kay Chloe kung isasabay ba nila si Eldrew pag-alis ng event.
Unang sabi ni Eldrew kay Caloy na huminto muna sa pagsasalita habang ininterview ng media, “Sasabay ako, e. Sabay ako.”
Tinanong naman ni Carlos ang dyowang si Chloe na nasa likuran nila ng, “Isasama ba natin ito?” sabay turo sa kapatid.
Sey naman si Chloe, “Sige, ihatid natin.”
At dahil dito, nagbardagulan na ang mga netizens – may mga nagsabing bakit kailangan pang magpaalam ni Caloy kay Chloe para ihatid ang kapatid pero meron din namang nagtanggol sa magdyowa.
“Nalungkot ako sa sinabi mo ‘Sama ba natin to?’ Ayaw na talaga kita panoorin caloy! Si eldrew lang talaga gusto ko panoorin.”
“Kelngan Pa talaga magpa Alam Kay Goldie?”
“Dios ko prang di mo kapatid need pa ipaalam sa jowa mo grabe caloy.”
“Nagpaalam si Kuya Olympian kay Goldie ‘isama ba natin to”God bless Eldrew.”
“Hala, tatanungin pa ang partner kong isasama ang kapatid… sinong pera ba yong pinangbili nga sasakyan nila? Hala?! Bat ganun?”
“Bakit ka ganyan sa kapatid mo Carlos?”
“Walang sariling desisyon para sa kadugo.”
“Hayan na naman ang bashers na hindi na naman mapakali sa panghuhusga. Tigilan nyo na si Caloy at Chloe! Nagkaayos na nga rin sila ng kapatid niya eh.”
“Nakaka-disappoint bakit need pa ipagpaalam?”
“Di nyo naman napanood yung buong vid, ung isang clip lng nayon dami na nsabi..bka kc my pinagmulan nkita nyo nng niyakap n sya ng kuya Caloy nya..kc nga bka sguro mgalit mommy nilapg sinama sguro for example or other things pa..sumali kyo sa Eat Bulaga..Bawal judgmental bka manalo p kyo…haisst”
“Tantanan nyo na sila, wala kayong pakialam kung nagtanong pa si Caloy kay Chloe.”
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag nina Carlos at Chloe hinggil sa isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.