arlos at Eldrew Yulo muling nagkasama, game na nagpa-picture

Carlos at Eldrew Yulo muling nagkasama, game na nagpa-picture

Ervin Santiago - January 28, 2025 - 09:00 AM

Mag-utol na Carlos at Eldrew muling nagkasama, game na nagpa-picture

Carlos Yulo at Eldrew Yulo (Photo from Instagram)

TUWANG-TUWA ang mga netizens nang muli nilang makita na magkasama ang magkapatid na gymnasts na sina Carlos Yulo at Karl Eldrew Yulo.

Nangyari ang panandaliang “reunion” ng mag-utol sa naganap na awarding ceremony ng Philippine Sportswriter Association (PSA) na ginanap kahapon, January 27 sa Manila Hotel.

Pinarangalan si Carlos ng “Athlete of the Year” ng PSA dahil sa pagbibigay-karangalan sa Pilipinas bilang two-time gold medalist sa 2024 Paris Olympics.

Baka Bet Mo: Paghakot ng medalya ni Karl Eldrew Yulo sa Thailand kinilala ng Adamson

Base sa mga litrato at video na napanood namin sa social media, kasama rin ni Carlos sa nasabing event ang kaniyang girlfriend na si Chloe San Jose.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlos Edriel Yulo (@c_edrielzxs)

Samantala, ginawaran naman ng special citation si Eldrew sa larangan din ng gymnastics dahil sa natamo nitong tagumpay kamakailan sa iba’t ibang competition.

Sa isang video, binati ni Carlos ang nakababatang kapatid sa tinanggap nitong award at nagpalitrato pa sila nang magkasama sa mga members ng media.

Sa mga nabasa naming reaksyon ng mga fans nina Carlos at Eldrew, happy sila sa pagkikita ng magkapatid kahit na nga hindi nila nakita sa awarding ceremony ang mga magulang nila na sina Angelica at Mark Andrew Yulo.

Ito ang unang pagkakataon na naispatan ng publiko sina Caloy at Eldrew na magkasama simula noong magwagi ang una sa Paris Olympics nitong nagdaang taon at matapos ang sumabog na kontrobersya sa kanilang pamilya.

Pero sa isang panayam kay Eldrew, bago pa raw ang PSA awarding ceremony ay nagkita na sila ni Carlos sa isang training na kanilang pinuntahan kamakailan lamang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending