Carlos Yulo, Chloe San Jose kinukulit kung kailan ba talaga magpapakasal?
PINUTAKTI ng tanong ang controversial couple na sina Carlos Yulo at Chloe San Jose mula sa mga netizens kung kailan ba talaga sila magpapakasal.
Feeling kasi ng mga Marites at ng supporters ng magdyowa ay kasal na lang ang kulang sa kanilang pagsasama lalo’t matagal-tagal na rin silang magka-live in.
Nabasa namin sa Instagram page ni Chloe ang napakaraming comments ng netizens sa isa niyang holiday post tungkol sa wedding nina Caloy at Chloe.
Nag-share kasi si Chloe ng sweet photos nila ng kanyang 2-time Olympic gold medalist boyfriend kalakip ang kanyang pagbati para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Baka Bet Mo: Hirit ni Ronnie Alonte kay Loisa Andalio: Magpapakasal kami at gagawa kami ng 7 na baby!
Ayon kay Chloe, overflowing ang nararamdaman niyang happiness ngayon dahil kay Caloy at sa iba pang mga taong nagmamahal at patuloy na sumuporta sa kanilang magdyowa.
“The tree is lit, the gifts are wrapped, and my heart is full,” bahagi ng mensahe ni Chloe.
View this post on Instagram
“This season reminds me how truly blessed we are to be surrounded by so much love and warmth. here’s to celebrating the reason for the season,” dagdag pa niya.
Pinusuan at ni-like ito ng kanilang mga tagahanga at tagasuporta at may ilan pa nga ang nangantiyaw sa dalawa na magpakasal na at bumuo na ng sariling pamilya.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens.
“Get married guys!”
“What’s stopping you from getting married?”
“Leave them alone.”
“WWHY DONNT YOUUU GEEET MARRIIEEDD.”
Walang sinagot sina Chloe at Carlos sa mga comments ng netizen tungkol sa kanilang pagpapakasal.
Pero matatandaang sinabi na noon ni Caloy na si Chloe na ang nais niyang pakasalan at gustong makasama for the rest of his life.
Nakikita na rin daw niya ang sarili na may mga anak kay Chloe pero walang binanggit ang Olympian kung kailan niya balak mag-propose kay Chloe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.