Hirit ni Ronnie Alonte kay Loisa Andalio: Magpapakasal kami at gagawa kami ng 7 na baby! | Bandera

Hirit ni Ronnie Alonte kay Loisa Andalio: Magpapakasal kami at gagawa kami ng 7 na baby!

Ervin Santiago - October 13, 2022 - 06:46 AM

Hirit ni Ronnie Alonte kay Loisa Andalio: Magpapakasal kami at gagawa kami ng 7 na baby!

Loisa Andalio at Ronnie Alonte

MAS gumanda at mas sumeksi pa si Loisa Andalio, ganu’n din ang boyfriend niyang si Ronnie Alonte na ang yummy-yummy ng itsura ngayon.

Muling humarap ang tambalang LoiNie sa ilang members ng entertainment press kaninang hapon sa finale mediacon ng kanilang Kapamilya teleserye na “Love In 40 Days”.

Marami nga ang nakapansin na parehong blooming at fresh na fresh ang aura ng celebrity couple kaya ang nagkakaisang komento ng lahat, magaling talaga silang mag-alaga sa isa’t isa.

Sa isang bahagi ng finale presscon ng “Love In 40 Days” ay natanong sina Ronnie at Loisa kung ano ang gagawin nila kung 40 days na lang ang natitira bago magunaw ang mundo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LOISA ANDALIO (@iamandalioloisa)


Sagot ni Loisa, “Magpapakasaya po. Kasi, 40 days na lang, so susulitin na namin!”

Sundot na tanong, magpapakasal na rin ba sila sa loob ng 40 days? Tugon ni Ronnie, “Oo magpapakasal kami ni Loisa!”

“Siyempre, kung ‘yun na lang ang natitirang araw, gagawin namin lahat para maging masaya lang. So, magpapakasal kami!

“At gagawa kami ng seven babies! Ha-hahaha!” ang tawa nang tawang hirit ni Ronnie.

Biglang hirit naman ni Loisa, “Ano ba ‘yon? Ang bilis naman. Manganganak ba agad ako in seven days! Ha-hahaha!”

Samantala, inamin din ng magdyowa na kahit matagal na silang magkarelasyon ay may pagkakataon na nagkakailangan at nahihirapan pa rin sila sa mga pakilig at lambingan scenes nila sa serye under the direction of Manny Palo and Jojo Saguin.

“Kasi hindi ko alam kung ano ang treatment minsan, kung pang-camera ba o pang-real life. So, nalilito lang ako. Pero, nandiyan naman sina direk naga-guide naman kami,” pahayag ni Ronnie.

“Ang hirap. Sobrang komportable namin sa isa’t isa, isa ‘yun sa nagpapahirap din  lalo na binabalikan ko kung paano kami nagkakilala dati. Minsan ang hirap. Nahirapan ako. Ilang beses ako napagsabihan ni Direk Manny diyan sa mga kilig scenes namin,” aniya pa.

“Hindi ko kasi alam kung ia-acting ko siya o ibabato ko siya nang natural. Hindi ko po alam kung paano magiging natural. Nahirapan talaga ako,” aniya pa.

Sey naman ni Loisa, “Nahihirapan din ako pag ganon. Alam mo ‘yung ‘pag awkward siya, ending ikaw din mao-awkward. So kailangan tulungan talaga. Ayoko naman mag-coach sa kaniya kasi ‘di ako acting coach. Kung ano lang ‘yung kaya kong i-share.”

Abangan ang huling dalawang linggo ng “Love in 40 Days” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC, mula sa Dreamscape Entertainment.

Kasama rin dito sina William Lorenzo, Lotlot de Leon, Janice de Belen, Leo Martinez, Ana Abad Santos, Ahron Villena, Maria Isabel Lopez, Renshi De Guzman, Trina Legaspi, Raven Molina, Chie Filomeno, Benedix Ramos, Vaughn Piczon, Kobie Brown, Andi Abaya at Zabel Lamberth.

https://bandera.inquirer.net/304664/promise-ni-ronnie-wala-na-akong-ibang-hahanapin-pa-at-wala-akong-balak-pakawalan-si-loisa

https://bandera.inquirer.net/314299/wala-na-kaming-paki-ni-loisa-sa-sinasabi-ng-ibang-tao-sa-amin-basta-masaya-kaming-dalawa

https://bandera.inquirer.net/314706/loisa-andalio-muntik-nang-layasan-ang-showbiz-pasuko-na-ako-feeling-ko-wala-nang-nagmamahal-sa-akin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/314006/ayaw-pa-naming-isipin-ni-ronnie-yung-tungkol-sa-engagement-kasi-ang-babata-pa-po-namin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending