Carlos nangako kay Chloe: Nasa tabi mo lang ako at mamahalin ka nang sobra!

Chloe San Jose at Carlos Yulo
NAGBITAW ng pangako ang 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo para sa pinakamamahal niyang dyowa na si Chloe San Jose.
Muling pinakilig ni Carlos ang kanyang mga fans nang magbahagi siya ng sweet birthday message for Chloe sa pamamagitan ng social media.
Nag-celebrate ng kanyang ika-22 kaarawan ang controversial content creator nitong nagdaang March 21 at sa kanyang Facebook page ay binati nga ni Caloy ang girlfriend.
“Happiest Birthday para sa napaka-espesyal na tao sa buhay ko @chloeanjeleigh (heart and cake emoji),” ang mensahe ng champion gymnast sa kanyang partner.
Dagdag pa niya, “Maraming salamat palagi sa walang sawang suporta, tiwala, kaligayahan at pagmamahal na binibigay mo sa buhay ko.”
Ito naman ang kanyang wish for Chloe, “Ang hiling ko sa Panginoon ay magkaroon ka ng maayos at malusog na pangangatawan. Masaya at maaliwalas na buhay kasama ako hehe. Nawa’y matupad lahat ang mga hiling at pangarap mo.”
View this post on Instagram
Kasunod nito ang kanyang pangako kay Chloe, “Asahan mong nasa tabi mo lang ako palagi, papahalagahan at mamahalin ka ng sobra. Muli, mula sa puso ko mahal na mahal kita MAHAL KO.”
Agad namang nagkomento ang vlogger sa post ni Carlos, “Thank you always mahal ko.”
Narito ang ilang comments ng netizens sa birthday greeting ni Caloy kay Chloe.
“Cute ng greeting, mula sa puso talaga.”
“One of my fave couples!!!”
“Aries and Aquarius. Fire and Air. Good combination. HBD!”
“Nagpagawa na si @chloeanjeleigh na dibdib.”
“Happiest birthday chloe good luck and God bless you more with your partner and family.”
Matatandaang inamin ni Chloe sa isang panayam na siya ang unang gumawa ng hakbang para magkakilala sila ni Caloy. Nag-message raw siya sa binata sa pamamagitan ng X (dating Twitter).
“Hi, I’m a fan po. Just came across your account and hindi na po kayo as active as before. I hope you’re doing well po. Stay safe. God bless,” ang laman ng private message ni Chloe kay Carlos noong April, 2020.
Nag-reply naman si Caloy sa kanya ng, “Hello, hehe. Anyway, I’m doing great here. Thank you. Ikaw din diyan ingat and God bless.”
Tugon naman ni Chloe sa binata, “Awwe I didn’t expect you’d reply and even follow me back. Thank you so much. Have a great week ahead.”
Nagsimula sa long-distance relationship ang kanilang pagmamahalan dahil nasa Australia pa noon si Chloe habang nagte-train naman si Carlos sa Japan.
Makalipas ang dalawang taon, nagkita sila nang personal sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam. And the rest is history na nga tungkol sa kanilang love story.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.