Chloe naka-relate kay Jake Zyrus, bumanat kina Angelica at Ai Ai?

Chloe naka-relate kay Jake Zyrus, bumanat kina Angelica Yulo at Ai Ai?

Ervin Santiago - March 04, 2025 - 11:30 AM

Chloe naka-relate kay Jake Zyrus, bumanat kina Angelica Yulo at Ai Ai?

Chloe San Jose, Angelica Yulo at Ai Ai delas Alas

HINDI man nagbanggit ng pangalan ang content creator na si Chloe San Jose, naniniwala ang netizens na inokray na naman nito ang nanay ni Carlos Yulo.

Mukhang relate much nga ang girlfriend ni Caloy sa panibagong kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ni Jake Zyrus at nanay nitong si Raquel Pempengco.

Nagkomento kasi si Chloe sa post ng kilalang social media personality na si Senyora sa Facebook tungkol sa pagtalak ni Raquel sa libro ng kanyang anak na si Jake na unang nakilala bilang si Charice.

Ni-repost ni Senyora ang isang FB page kung saan nakalagay ang mga naging pahayag ni Raquel laban sa anak na si Jake kaugnay ng mga rebelasyon ng singer sa kanyang memoir na “I Am Jake” na inilabas noong 2018.

Ang nasa caption ng FB page, “WALANG UTANG NA LOOB.


“Naglabas nga ng pahayag ang ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco tungkol sa isinulat ng anak sa kanyang libro tungkol sa pangaabusong naranasan nito sa kanyang tiyuhin na isinawalang bahala umano ni Raquel.

“’Peace of mind pa rin ang pipiliin ko kesa patulan ko ang mga walang kwentang tao at mga walang utang na loob…sila na magdadala ng lahat. The truth still prevails… Sige lang kahit ano ibato nio basta hinde nakakabawas ng kagandahan ko…wala pa rin akong pake.’ saad ng ina ni Jake.”

Ang sabi ni Senyora sa kanyang post, “May ganyan palang nanay ”

Sa comments section ng post ni Senyora ay nag-iwan nga ng komento si Chloe, “Meron pa akong kakilala, ganyang ganyan din Senyora.”

Sinagot naman siya ni Senyora at tila pinagsabihan sa kataklesahan nito, “Chloe yan ka na naman! Kaya gigil sayo mga matatanda e.

“Bumanat ka na naman Chloe. Dinadamay mo pa ako! Pag ako di talaga nasama sa Japan,” hirit pa niya.

Walang sinabing pangalan si Chloe pero feeling ng netizens ay para raw ito sa nanay ni Carlos na si Angelica Yulo. May mga nagsabi pang baka raw ang Comdy Queen na si Ai Ai delas Alas.

Bukod kasi sa pagpatol kay Angelica ay nakipagbardagulan din ang dyowa ni Chloe kay Ai Ai matapos nitong kampihan at ipagtanggol ang ina ni Caloy.

Mensahe ni Ai Ai kay Chloe noong kasagsagan ng pakikipagsagutan nito kay Angelica, “Kasi nanay yan, e. Kung wala yung nanay niya, wala kang darling ngayon. Kaya, girl, huwag mo siyang aawayin.

“Tsaka hindi ka pa asawa, girl. Girlfriend ka pa lang. Kapag asawa ka na, puwede na. Pero kapag girlfriend pa lang girl, huwag mo munang awayin.

“Kasi alam mo naman ang mga mommy, di ba? Isa yan sa mga way na magiging harmonious ang inyong relationship,” ani Ai Ai.

Pero binuweltahan ni Chloe si Ai Ai nang aminin ng komedyana na hiniwalayan na raw siya ng asawang si Gerald Sibayan. Ipinost ni Chloe ang isang news item tungkol sa breakup ng dating mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit ni Chloe kay Ai Ai, “Back to you mamang, hindi para pagtawanan ang sitwasyon mo pero ang ginagawa mo sa iba ay babalik din sa’yo ng 10x ‍—it’s just the universe’s law.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending