Joey bumanat sa mga nagpapakalat ng fake news; suportado si Tito sa pagtakbo | Bandera

Joey bumanat sa mga nagpapakalat ng fake news; suportado si Tito sa pagtakbo

Therese Arceo - October 21, 2021 - 02:14 PM

Joey bumanat sa mga nagpapakalat ng fake news; suportado si Tito sa pagtakbo

JOEY DE LEON

BINANATAN ng aktor at komedyanteng si Joey de Leon ang mga nagpapakalat ng fake news ukol sa hindi niya pagsuporta sa isa sa mga matalik niyang kaibigang si Sen. Tito Sotto sa kanyang pagtakbo bilang bise presidente sa 2022 national elections.

Sa kanyang Instagram post ay sinupalpal ni Joey ang mga nagpapakalat ng fake news ukol sa kanya kalakip ang litrato nilang tatlo nina Vic at Tito Sotto.

“Anak ng pating eh halos pitong buwan a bago mag-election pero nagkalat na ang fake news! Kesyo ako daw, gamit ang mukha at pangalan ko, iniendorso ang isang kandidato!

“Pwede ba, nasa litratong ito natural ang aking iboboto. Eh PITONG presidente na kaming magkakasama! Kailangan pa bang i-explain yan?” saad ni Joey.

Aniya, sana raw ay matutong mag-fact check muna ang kanyang mga “friends” bago mag-post.

“Dun sa mga ‘friends’ ko kuno, fact check muna before posting! Erection ang problema ko hindi election! Ginagalit nyo ko eh!” hirit pa nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)

Nag-comment naman sa naturang post ni Joey ang mga anak ni Tito Sen.

“Hahaha! Iba talaga magalit si Ninong Joey!” saad ni Gian Sotto.

“Love you pare” comment naman ni Ciara Sotto na marahil ay mula sa ina nitong si Helen Gamboa.

Agree naman ang ilang netizens sa sinabi ni Joey tungkol sa fack-checking.

“Hay, election season na talaga. Naglipana na ang fake news claiming to be facts. Dapat mas maging discerning tayo. Research at fact check rin pag may time.

“Hindi por que familiar ang name at sikat ay iboboto na. Take timr to learn the background, credentials and accomplishments of the candidates before you even choose your candidates,” sey ng netizen.

Si Joey de Leon ay parte ng iconic trio na TVJ o Tito, Vic, and Joey at isa sa mga nagpasimula ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga”.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karagdagang ulat:
Bossing kay Tito Sen: Saan ka man dalhin ng iyong kapalaran nasa likod mo ang buong Eat Bulaga!
Joey awang-awa sa sarili nang mag-work from home; tinawag na diva-diva ng anak

Read more: https://bandera.inquirer.net/288264/bossing-sa-nagpapakalat-ng-fake-news-hindi-natin-yan-palalampasin-pagbabayaran-nyo-yan#ixzz79uEfsBBf
Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending