Joey awang-awa sa sarili nang mag-work from home; tinawag na diva-diva ng anak
Joey de Leon
AWANG-AWA raw ang movie icon at veteran TV host-comedian na si Joey de Leon sa kanyang sarili noong mga unang araw ng pagwo-work from home niya para sa “Eat Bulaga”.
Nagkuwento ang tinaguriang Henyo Master sa nakaraang episode ng longest-running noontime show sa Pilipinas tungkol sa kanyang work from home experience.
Aniya, “the struggle is real” noong magdesisyon siyang bumalik sa pagho-host ng “Eat Bulaga” sa gitna ng patuloy pa ring banta ng COVID-19 pandemic.
Sa bahay lamang siya nagho-host tulad ng iba pang Dabarkads dahil nga senior citizen na siya at hindi pa pinapayagang lumabas ng bahay ang mga edad 65 pataas. At dahil nga rito, kinailangang pag-aralan muna niya ang new normal set-up ng work from home.
“Marami naman akong natutunan, actually awang-awa nga ako nu’ng mga nagsisimula kami. Natuto ako ng Zoom, wala akong alam diyan, eh. Mahina ako sa mga makina, yung mga modem, ‘yung signal,” pag-amin ni Joey.
Tawang-tawa naman ang mga kapwa niya Dabarkads nang ikumpara niya ang ginagamit niyang maliit na ilaw sa mga bonggang-bonggamg ring light ng mga co-hosts niya sa “Eat Bulaga.”
“Lumuluha ako sa awa sa sarili ko. Dahil kunwari sina Allan K., yung mga kasama ko sa Eat Bulaga, yung mga hosts, ang mga ring light nila kasing-laki ng hula hoop, kasing-laki ng batya,” chika pa ng veteran comedian.
In fairness, tinutulungan naman daw siya ng kanyang asawa na si Eileen Macapagal de Leon sa pag-aayos ng kanyang mini studio na ginagamit niya sa “EB” sa iba pa niyang zoom at online meetings.
Sa katunayan, si Eileen na raw ang nagsisilbing writer, producer, director at production assistant niya, “Siyempre may katulong ako. Kaya lang yung army ko, army of one. Ang aking Zoom army ay walang iba kundi si Eileen.”
One time raw ay hindi siya na-assist ni misis dahil sa commitment nito sa kanilang church kaya kinausap niya ang anak na si Jocas de Leon para tulungan siya sa pag-aayos ng ginagamit niyang studio.
“Isang araw, nakiusap ako dahil magsisimba siya (Eileen), eh. Si Jocas, nakiusap ako. ‘Yung isang yun eh….alam n’yo muntik pang magkaroon ng third world war,” natatawang sabi ni Joey.
Sabi naman ni Jocas, “Eh, yung Dad ko may pagka…alam mo na artista, so diva, diva siya. So sinabi ko talaga sa kanya ‘Da! Pag ako tinarayan mo talagang tatayuan talaga kita. Iiwanan ko talaga yung Zoom mo kapag ako tinarayan mo.’
“Tapos sabi niya sa akin ‘Ah, e, di sabihin na lang natin mag-aabsent ako’ para lang daw hindi ko siya makasama, hindi ko siya matarayan, mag-aabsent na lang daw siya sa Bulaga,” natatawang kuwento ni Jocas.
Dagdag pang chika ni Jocas, “Okay naman in fairness. It was good. We worked well.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.