Joey harap-harapang inaming nagtampo kay Toni nang umalis sa 'Eat Bulaga': Selfish lang kami noon, pero good for her | Bandera

Joey harap-harapang inaming nagtampo kay Toni nang umalis sa ‘Eat Bulaga’: Selfish lang kami noon, pero good for her

Ervin Santiago - December 13, 2022 - 07:32 AM

Joey harap-harapang inaming nagtampo kay Toni nang umalis sa 'Eat Bulaga': Selfish lang kami noon, pero good for her

Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Toni Gonzaga at Joey de Leon

SA kauna-unahang pagkakataon, diretsahang inamin ng veteran comedian at TV host na si Joey de Leon na totoong nagtampo siya kay Toni Gonzaga nang iwan nito ang “Eat Bulaga.”

Ayon sa host ng “Eat Bulaga”, talagang hindi niya nagustuhan ang pag-alis ni Toni sa kanilang programa para lumipat sa ABS-CBN.

Sa naganap na grand mediacon ng Metro Manila Film Festival 2022 entry nila ni Toni na “My Teacher” na idinirek ni Paul Soriano under Ten17 at TinCan Productions, natanong nga si Joey tungkol sa paglayas ng singer-actress sa “Eat Bulaga.”

“Wala, eh, baby namin ‘to, eh. So, wala. Hindi mo naman… selfish lang kami noon, pero good for her. Natutuwa kami sa nangyari. ‘Yun lang. Nakikita ko naman ‘to, eh.

“So, masaya ako sa sinapit ni Celestine (real name ni Toni). Buti napangasawa mo si Paul, ‘di ba? Sipsip sa direktor!” natatawang biro ni Joey.

Naibahagi naman ni Toni na pagkatapos niyang iwan ang longest-running noontime show sa bansa ay hindi pa rin naman naputol ang komunikasyon nila ni Joey.

Naaalala pa niya yung araw na tinawagan siya ng beteranong TV host para imbitahin sa kanyang kaarawan, “Mag-boyfriend pa lang kami ni Paul, tapos in-invite niya kami, dinner ”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)


“’Yung upuan nating dalawa, ‘di ko pinatanggal, nag-renovate na kami, nandu’n pa rin,” ang natawang sabi  naman ni Joey.

Samantala, dumepensa naman ang isa sa mga Icon awardees ng 5th EDDYS o Entertainment Editors Choice sa mga namba-bash kina Toni at Paul dahil sa sinabi ng direktor na itinuturing niyang most powerful celebrity sa bansa ang kanyang misis.

Pagtatanggol ni Joey, “Ang sinasabi ni Paul du’n sa kabuuan, sabi niya, equally powerful ‘yung mga tumitira rito kay Toni. Pero, hindi naman ito nagre-react, hindi natitinag, so powerful ‘to, mas powerful ‘to kasi ‘di niya pinapansin, eh. ‘Yun ‘yon.”

Natanong din ang komedyante kung bakit siya napapayag nina Toni at Paul na gawin ang “My Teacher” para sa MMFF 2022 gayung matagal na siyang hindi nagpepelikula.

Aniya, marami na raw nag-alok sa kanya na gumawa ng movie para sa filmfest at nang malaman niyang hindi pa rin lalahok sa MMFF ang kaibigang si Vic Sotto, tinanggap na niya ang “My Teacher.”

“Hindi na ako nagpepelikula, eh. Semi-retired na ako. So, ‘yun ang istorya. Saka maganda ‘yung istorya ni Paul saka ni Toni. Medyo madrama pero medyo pinipilit kong…binigyan ako ng free hand ni Direk na sumundot.

“Hindi ko matiis na hindi magpatawa, eh. So, may mga eksena du’n na pinayagan ako niya. Saka lulusot naman na hindi masyadong seryoso para kumpleto.

“Kumpleto ‘yung pelikula, eh. Saka na-miss ko ‘yung Iskul Bukol (sitcom nina Tito, Vic & Joey noong dekada 70 hanggang 80), tungkol sa school ‘to. Eh, na-miss ko rin si Miss Tapia (karakter ni Mely Tagasa sa Iskul Bukol), Miss Toni naman ngayon.

“Basta ganu’n, ayoko ikuwento ‘yung istorya. Tapos kasama ko ‘yung mga kabataan. Sanay ako na may mga bata kahit na medyo malayo ‘yung edad ko dahil sa Eat Bulaga, ganu’n kami, eh.

“Kaya tumatagal ang Eat Bulaga, laging may youth na ini-inject. From Raiza (Mae Dizon) to Maine (Mendoza), sina Maja (Salvador). So, at home ako. Natapos ‘yung movie.

“Medyo masakit gumising sa umaga, pero nakaraos at sana’y tangkilikin n’yo. Hindi lang ‘yon kundi lahat ng pelikulang kasama sa MMFF,” pahayag pa ni Joey.

Mapapanood na sa mga sinehan nationwide ang “My Teacher” kung saan kasama rin sina Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Carmi Martin, Pauline Mendoza at marami pang iba.

Nais ding magpasalamat ng buong production sa Winford Manila, Godfather Productions, Joed Serrano at Hello Glow by Ever Billena.

Joey bumanat sa mga nagpapakalat ng fake news; suportado si Tito sa pagtakbo

Joey naging totoo at responsable sa 16 na anak; sumabak sa ‘name challenge’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice umaming pumurol sa pagpapatawa: Ito ‘yung effect sa akin ng ‘pagkakakulong’ ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending