Boy Abunda hindi kayang tiisin si Mariel Padilla: I will sell my house for you | Bandera

Boy Abunda hindi kayang tiisin si Mariel Padilla: I will sell my house for you

Therese Arceo |September 30,2022
facebook
share this

Boy Abunda hindi kayang tiisin si Mariel Padilla: I will sell my house for you

Therese Arceo - September 30, 2022 - 07:42 PM

Boy Abunda hindi kayang tiisin si Mariel Padilla: I'm will sell my house for you
HINDI nakatakas ang TV personality na si Boy Abunda sa kalokohan ng kanyang alagang si Mariel Padilla.

Sa latest vlog ng asawa ni Sen. Robin Padilla ay first time nitong nagsagawa ng prank call kung saan isa nga sa mga natawagan ay ang TV host at talent manager.

Kwento niya, noon raw ay sinabihan na siya ni Tito Boy na huwag raw siyang gagawa ng content na prank at mag-focus sa paggawa ng mga vlogs patungkol sa pagiging mommy.

Ngunit sa kabila ng paalala sa kanya ay ginawa pa niya ito at isa pa nga siya sa mga mabibiktima.

Bago pa man siya tumawag kay Tito Boy ay inisip niya munang mabuti kung ano ang sasabihin niya at kung paano niya ito ipa-prank.

“Siguro ang magandang back story, I’m in trouble. I order isang truck ng pang-import, isang crate, isang container ng beef para doon sa Cooking Ina Market,” saad ni Mariel.

Tila kinakabahan nga siya habang tumatawag kay Tito Boy habang iniisip kung magkano ang hihiramin niyang pera.

Nang sagutin nga ng talent manager at TV host ang tawag ni Mariel ay nasa kalagitnaan ito ng isang zoom meeting.

“OK lang, I’m in a meeting. OK lang, of course. What do you want?” tanong ni Tito Boy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)

Tila na-guilty naman si Mariel sa pang-iistorbong ginawa niya kaya binilisan na rin nito ang kanyang pagpa-prank.

“Tito Boy, I have a problem. I’m in trouble… Because di ‘ba I have the Cooking Ina Food Market and so I ordered a container of beef. It’s coming in already and I already paid 50% of the beef,” panimula ng asawa ni Sen. Robin.

Pagpapatuloy niya, “I was expecting money to come but it didn’t so I need to come up with P5 million. If not, I won’t be able to get it then maba-blacklist ako and you know, the contract won’t go through. I don’t wanna tell Robin. He’s gonna get mad at me.

Sinabihan naman siya ni Tito Boy na tumawag pagkatapos ng kanyang meeting upang mapag-usapan nila kung saan sila maaaring kumuha ng pera para solusyunan ang problema ni Mariel.

Dito na nagdesisyon ang asawa ni Robin na amining prank lang ang lahat.

“Tito Boy, I hope that you love me forever, this is a prank. I love you so much, bumalik ka na sa meeting mo. Sobrang sorry. Hindi ko kailangan ng P5 million,” sey ni Mariel.

“I will. Oh my God! I will sell my house for you,” sagot naman niya.

Dagdag pa ni Tito Boy, “No, no, no. No problem whether… it’s health or money, alagaan mo ang sarili mo. If it’s a prank or not, I can help you.”

Related Chika:
‘Fast talk’ video ni Alden kay Tito Boy muli na namang kumalat sa socmed, bakit kaya?

Boy Abunda balik-TV na, Kapuso nga ba o Kapamilya pa rin?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Boy Abunda trending sa Twitter, netizens disappointed: Grabe talaga!

Boy Abunda trending sa Twitter, sey ng netizens: King of talk ka nga, puro ka na lang talak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending