Pagso-sorry ni Anthony Jennings pasado kay Boy Abunda

Pagso-sorry ni Anthony Jennings pasado kay Boy Abunda

Therese Arceo - December 11, 2024 - 08:24 PM

Pagso-sorry ni Anthony Jennings pasado kay Boy Abunda

KUNG nahanapan ng “Asia’s King of Talk” Boy Abunda ng butas ang pahayag ni Maris Racal, nagustuhan naman nito ang official statement ni Anthony Jennings.

Hanggang ngayon ay hinsi pa rin talaga natatapos ang cheating issue nina Athony at Maris matapos i-reveal ni Jam Villanueva ang resibo ng kanilang pangloloko.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay nagbigay reaksyon ang TV hist sa naging public apology ng “Incognito” star tungkol sa kanilang isyu.

“I just want to say that I like the statement, gustong-gusto ko ho ‘yong statement ni Anthony Jennings.

Baka Bet Mo: Statement ni Maris Racal nakitaan ng ‘butas’ni Boy Abunda

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“22, 23 seconds, nag-apologize, nagsabing sorry do’n kay Jam [Villanueva] at kay Maris at lahat ng mga nadamay, end of story,” saad ni Boy.

Aniya, mas maikli ang pahayag, mas maiiwasan na magkamali.

“Less talk, less mistake, ‘ika nga. I thought it was proper, it was the best that he could do dahil ang detalye naman ay alam na ng sambayanan,” sey pa ni Boy.

Matatandaang una nang nagbigay ng komento ang Kapuso TV host sa inilabas na statement ni Maris Racal kung saan parte nito ang pag-amin na hindi siya aware na in a relationship pa rin pala sina Anthony at Jam habang may namamagitan sa kanila.

Ngunit nakitaan ito ng butas ni Boy at sinabing hindi nag-a-add up ang parte ng mensahe ni Maris kung saan pinapa-delete nito ang usapan nila ni Anthony.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mayro’n kayong exchange ng text messages ni Anthony na ‘delete tayo. Can you delete screenshots and messages?’

“Sagot ni Anthony, ‘alam mo hindi pa naman ako nagde-delete.’ ‘Pero gets mo kung bakit kailangan nating mag-delete?’

“And then there was a line in that conversation that said, ‘someday hindi tayo kinakailangang mag-delete; hindi tayo kinakailangang magtago,’” sey ni Tito Boy na kumukuwestiyon kay Maris.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending