Jeffrey sa isyu ni Darryl: 'Never quick to judge!'

Jeffrey sa isyu ni Darryl: ‘Look at the bigger picture, never quick to judge!’

Reggee Bonoan - January 10, 2025 - 09:50 AM

Jeffrey Hidalgo sa isyu ni Darryl: 'I think he enjoys controversies, pero...'

Jeffrey Hidalgo, Darryl Yap

ANG stage musical play na “Nasaan Si Hesus?” na sinulat ng yumaong entertainment editor na si Nestor U. Torre ay magiging pelikula na.

Ipo-produce ito ng Balin Remjus Inc. at Great Media Productions, Inc. sa pangunguna ni Ginang Bing Pimentel.

Ang kwento ng movie adaptation ay umiikot sa mga problema ng mga nakatira sa isang pamayanan tungkol sa pamilya, pera, pag-ibig, trabaho, at pulitika kaya ang target showing nito sa mga sinehan ay sa Marso bago mag-Mahal na Araw at eleksyon sa Mayo.

Isa ang aktor-direktor na si Jeffrey Hidalgo sa cast ng “Nasaan Si Hesus?” at gaganap na asawa niya ay si Rachel Alejandro na niloloko niya.

Baka Bet Mo: Vic Sotto pinalagan si Darryl Yap dahil ‘binu-bully’ na sa eskwelahan si Tali

Bukod sa kanila ni Rachel ay kasama rin sina Geneva Cruz, Janno Gibbs, Gabreza ng “Tawag ng Tanghalan,” Gianni Sarita ng “The Voice Kids,” Marissa Sanchez, Janno Gibbs, at marami pang iba.

Jeffrey Hidalgo, Darryl Yap

Rachel Alehandro, Marissa Sanchez, Geneva Cruz, Rachel Gabreza, Jeffrey Hidalgo

Sa solong panayam namin kay Jeff ay biniro muna namin siya na pagkatapos niyang mag-direk ng mga erotic films sa Vivamax ay heto at magpapakabanal naman siya sa “Nasaan Si Hesus?”

Tumawa kaagad ang aktor-direktor, “Shssh, quiet!” sabi kaagad.

“Ayun nga, asawa ko si Rachel na bad boy kasi may mistress ako pero hindi ko alam kung ipapakita, pero siyempre may redeeming value naman (sa huli), matutunan ko kung ano ‘yung mga maling ginawa ko.

“Basically kasi the movie is slice of life, sa Sunday (January 12) kami mag-start ng shoot at sabi sa March in time of Holy Week.  Basta ang target nila ay before mag-elections,” napangiting sabi ng aktor.

Hirit namin ay para magnilay-nilay ang mga kakandidato sa eleksyon dahil ita-tackle sa pelikula ang politika.

Diretsong tanong namin kay Jeffrey kaugnay sa musical movie dahil alam naman ng lahat na hindi tinatangkilik ng ordinaryong manonood ang ganitong genre at perfect example ang 2024 MMFF entry na “Isang Himala” na kahit nakakuha ito ng limang awards sa Gabi ng Parangal ay nanatili itong mahina sa takilya.

Limitado lang kasi ang mga manonood na mahilig sa art film kaya hindi talaga ito maka-pull off.

“Well, sabi naman nila (producers) ay advocacy film ito at they want to reach the people who can’t afford, so, to be able to do that, siguro magta-tap sila ng mga Philanthropist to sponsor, mga ganu’n.

“I guess ‘yun kasi maganda ang message ng movie, and since advocacy film ay para ipakilala si Hesus sa lahat ng tao, I’m sure dadagsain ng mga sponsors,” paliwanag ni Jeff.

Naniniwala ba ang aktor-direktor na marami pang hindi nakakakilala kay Hesus?

“In a personal way. I’m sure lahat ng tao kilala si Hesus, pero do they really know him? I guess ‘yun ang preposition, Nasaan si Hesus sa buhay mo,” katwiran ng aktor.

Samantala, tinanong namin si Jeffrey kung ano ang mas okay sa kanyang gawin, ang pagdi-direk ng sexy films o ng mga seryoso tulad ng debut film niyang “Silong” (2015) na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Rhian Ramos na isang romance-thriller.

“Sa akin it doesn’t matter, as a director, I think ang genre ko kasi ay erotic films and thriller. Pero siyempre, gusto ko ring gumawa ng love story  o romcom at kaya ko naman iyon kasi ginagawa ko naman for TV.

“Nakapag-direk na ako ng ‘Inday Will Always Love You’ (2018-GMA), so, sanay din naman ako sa romcom, pero hindi pa ako nakakagawa ng romcom na film, kaya kung titingnan mo ang filmography ko, medyo dark lahat. Goal ko din ‘yung may masaya (film),” chika ni Jeffrey.

Inamin din ng aktor-direktor na pangarap din niyang mapasali sa taunang Metro Manila Film Festival bilang direktor at sana ay pagkatiwalaan siya ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films.

“May mga balak ako (pitch) sana magustuhan ni boss Vic,” napangiting sabi ni Jeff.

At bilang direktor ay hiningan namin ng reaksyon si Jeff tungkol sa ginawang pelikula ni direk Darryl Yap, ang “The Rapists of Pepsi Paloma” na kontrobersyal ngayon dahil binanggit ang pangalan ng isa sa “Eat Bulaga” host na si Vic Sotto.

Ang pelikulang “Jowable” (2019) na sina Kim Molina at Jerald Napoles ang bida palang ang napapanood ni Jeffrey kaya as a direktor ay wala siyang masasabi pa sa mga pelikula nitong iba.

Inamin din ng binata na hindi sila magkakilala ng personal ni direk Darry, “We never introduce pa.”

At dahil nga sa mga kontrobersyal posts ni Direk Darryl sa kanyang Facebook account na nag-trending kaagad.

“Well, I think he really enjoys the controversies.  ‘Yun ang brand ng filmmaking niya, e, at saka lahat naman ng films niya may ganu’n (isyu).

“Ang nakita palang natin ay teaser, so baka misleading ‘yung teaser, so hindi natin alam, eh, until mapanood natin ‘yung final product.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Always look at the bigger picture, so never quick to judge. ‘Yan ang natutunan ko sa in my decades or more than three decades in the business, never quick to judge,” magandang sabi ni Direk Jeffrey sa kapwa niya direktor na nahaharap ngayon sa 19 counts of cyber libel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending