#TodoNaTo! Jeffrey Hidalgo hubad kung hubad sa ‘Sugar Baby’
TUMODO sa pagpapaka-daring ang singer-actor at director na si Jeffrey Hidalgo sa bago niyang acting project, ang Vivamax Original Movie na “Sugar Baby.”
Mismong si Jeffrey na ang nagsabing ito na ang pinakagrabeng role na nagawa niya bilang artista kaya hinding-hindi raw niya malilimutan ang proyektong ito habang nabubuhay siya.
Gumaganap siya sa movie bilang si Mr. Santos, ang may-ari ng isang sikretong kumpanya na nag-aalok ng serbisyo ng mga tinatawag na “sugar baby”.
Ayon kay Jeffrey, isa rin siyang sugar daddy sa movie at ang makakatambal niya rito ay ang Vivamax Bombshell na si Robb Guinto.
“This is the boldest I’ve done so far. I’ve done love scenes before in ‘Beautiful Life’ and ‘Sabel’, but I was only shirtless, nothing as daring as this kasi, here, naka-plaster lang ako,” kuwento ng aktor sa naganap na presscon ng “Sugar Babies” kamakailan.
Tinanggap daw niya ang proyekto dahil nagandahan siya sa kuwento nito, “I read the script and I liked it, and I also like my role.
“After playing a drug lord in ‘Ssshhh’ for Direk Roman Perez Jr, I really want to do more character roles and this one is quite challenging.
“I also want to help our director, Christian Paolo Lat. This is his first with Viva and I enjoyed working with him. He’s very young. Chill lang siya sa set. No stress at all,” aniya pa.
Isa na rin siyang filmmaker ngayon kaya natanong siya kung nakialam ba siya sa kanilang direktor sa pelikula na si Christian Paolo Lat.
Baka Bet Mo: Xian Gaza supalpal kay Donnalyn Bartolome: May mga babaeng kayang magbayad ng VIP table kahit saan mo pa siya dalhin
“No, I just trusted him. He knows what he is doing. It’s a different experience kasi nga bata siya. Ako naman kapag nakikita kong alam niya ang ginagawa niya at tinutulungan niya ang lahat sa production, okay na okay na yun,” sabi ng original member ng OPM iconic group na Smokey Mountain.
View this post on Instagram
Samantala, sa tanong namin kay Jeffrey kung game rin ba siyang mag-frontal sa susunod niyang mga pelikula, natawa muna siya at nag-isip sandali.
Sey ni Jeffrey, willing siyang ibigay at ipakita ang lahat kung kinakailangan pero ang magiging problema ay kung papayagan siya ng kanyang talent management na gawin ito.
Samantala, sa kuwento ng “Sugar Baby” ipakikilala sa isang ina ang isang mapusok, mapang-akit, at delikadong mundo na makakapagbigay sa kanya ng komportableng buhay na matagal na niyang inaasam.
Si Azi Acosta ang inyong “Sugar Baby” na mapapanood na nga sa Vivamax simula ngayong November 24.
Ang “Sugar Baby” ay Vivamax Original Movie mula sa direksyon ni Christian Paolo Lat, isang rising director na nakilala sa kanyang mga independent films na “Birds”, “Ginhawa”, at ang short film na “Be Your Kind,” na nanalo ng gold award sa Pinnacle Film Awards.
Bukod kina Jeffrey, Robb at Azi, makakasama rin sa “Sugar Babies” ang mga Vivamax stars na sina Mon Mendoza, Josef Elizalde at Zsara Tiblani.
Kwento ito tungkol kay Jennifer (Azi Acosta), isang masipag at mapagmahal na ina na nakakaranas ng domestic abuse sa kanyang asawang si Spencer (Mon Mendoza).
Pero may dadating na parang knight in shining armor na magliligtas at tutulong kay Jennifer, ang kaibigan at dati niyang kasintahan na si Rica (Robb Guinto).
Ibabandera ni Rica kay Jennifer ang bago nitong pinagkakakitaan, ang pagiging Sugar Baby.
Ipakikita nito kay Jennifer kung gaano kalaki ang kanyang kinikita at oofferan na pumasok na rin sa ganitong trabaho. Makikilala rin ni Jennifer ang Sugar Daddy ni Rica na si Mr. Santos (Jeffrey Hidalgo).
Sa una, mag-aalangan at magdadalawang isip si Jennifer na tanggapin ito dahil lihis ito sa kanyang paniniwala at prinsipyo.
Pero malalagay sa peligro ang buhay ng kanyang anak, at wala siyang ibang paraan para iligtas ito kaya mapipilitan siyang tanggapin ang trabaho.
Baka Bet Mo: Marco Gumabao, Kylie Verzosa hindi pa nagiging magdyowa, mag-ex na agad…anyare?
Sa pagiging Sugar Baby ni Jennifer, makakaranas na siya sa wakas ng magaan at maginhawang buhay at mabibigay na rin niya ang kung ano mang kailangan ng kanyang anak.
Makikilala rin niya si Eric (Josef Elizalde), ang lalaking mag-aalaga at magpapakita ng pagmamahal sa kanya, malayong malayo sa kung ano ang dinaranas niya sa kanyang asawa.
Si Eric na ba ang lalaki para kay Jennifer? Anong gagawin ni Spencer kapag nalaman niya ang tungkol dito? Pati na ang pagbabalik ni Rica sa buhay nila?
Tama kaya ang naging desisyon ni Jennifer na pasukin ang ganitong trabaho? O ang makulay at mayamang buhay na nararasan niya ay isa lamang maskara para itago ang katotohanan tungkol sa magulo at masalimuot na buhay ng isang Sugar Baby?
Panoorin ‘yan exclusively sa Vivamax simula ngayong November 24.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.